Maliban sa husay sa pagho-host, pag-arte, at pagiging modelo, nakilala ang husay ni Paolo Ballesteros sa pag iimpersonate ng ilang mga celebrities at mga kilalang personalidad sa pamamagitan ng kanyang make up transformation.

pochoy_29 | ig

Hindi mo talaga akalain na ang isang lalaking katulad nya ay magaling mag make up. Ngunit hindi nga naman imposible dahil apo sya ng kilalang national artist na si Fernando Amorsolo, na isang napakahusay na pintor.

pochoy_29 | ig

Isa ngang natural na artist itong si Paulo at ngayon ay agaw eksena at nagbibigay aliw ang mga palamuti sa labas ng kanyang bahay sa Antipolo. Napakaganda at napaka-unique.

pochoy_29 | ig

Sa kanyang latest IG post, ibinahagi nito ang latest look ng kanyang bahay at binigyan ng caption na “Pasko na sa Antipolo!” Nagmistulang isang malaking regalo ang bahay nito dahil sa giant red ribbon na inilagay nito sa bandang itaas ng kanyang bahay. Napapalibutan din ito ng ibat-ibang Christmas decor at lights. Paskong-pasko na nga sa bahay ni Paulo.

Napakaganda nitong tingnan sa gabi at nakakapagbigay ng good vibes, ika nga ng iba. Maraming kasamahan nito sa showbiz ang nagandahan din sa kanyang ginawa. Bumagay din ang kanyang palamuti sa disensyo ng kanyang bahay at napapanahon din dahil ber month na nga.

pochoy_29 | ig

Kahit sa simpleng pamamaraan ay nakakapagbigay ito ng kasiyahan sa mga taong dumaraan sa kanyang bahay. Marami ngang hindi magandang mga pangyayari ngayong taon subalit hindi ito balakid upang hindi natin maipagdiwang ang pasko.

pochoy_29 | ig

May pandemya man ngayon ngunit huwag natin paring kaligtaan ang maging masaya at magpasalamat sa lahat ng biyaya at pag-iingat sa atin ng Maykapal sa buong taon. Tuloy parin ang buhay at pakikibaka sa mundo.

Maalalang naipatayo ni Paulo ang kanyang bahay modern-designed house noong taong 2017.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Si Paulo ay isa sa mga mayroong pinakamaraming followers ngayon sa IG na umabot na sa mahigit 2.4 million.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here