Ngayong bukas na muli sa publiko ang magdaos ng face to face ceremony tulad ng graduation day. Marami sa kabataan ang sobrang galak at excited sa isa sa mahalagang araw nila bilang mag-aaral. Nito lamang isang nagdaang araw may video ang umagaw pansin sa mga netizen patungkol sa isang ama at anak.

Ang video mula kay Sheila Bartolaba Rebayla, makikita sa nasabing video na araw ng pagtatapos ni Sheila ngunit ang kanyang amang si Leonardo Rebayla ay hindi nakadalo dito, marahil sa trabaho nito bilang construction worker sa isang site. Kaya naman imbes na si Mang Leo ang makapunta sa nasabing graduation, si Shiela na umano ang nagtungo sa lugar ng pinagtratrabahuhan ng ama.

Saktong naglilinis si Mang Leo ng mamamataan

ito ng anak at laking gulat ng butihing ama ng bigla na lamang ito sabitan ng medalya ng kanyang anak. Sa pagkakataong iyon gulat na gulat ang si Mang Leo marahil sa pagkakabigla ngunit nang kalaunan ay napayakap pa ito sa kanyang anak at napasayaw pa sa tuwa.

Ito ang isang paraan ni Sheila Bartolaba Rebayla upang maipakita ang pagmamahal at pagmamalaki niya sa kanyang ama. Sa sakripisyo ng kanyang ama upang sila ay mapag-aral sa kabila ng hirap ng buhay ay ito na siguro ang isang magandang regalo matatanggap ni Mang Leo at ng kahit sinumang magulang.

Sa hirap ng dinadanas ng ating mundo sa araw-araw hindi malabong minsan maisipan mo na lamang sumuko, sa kabilang banda nakakabilib ang mga tulad ni Mang Leo at Shiela dahil patuloy ang kanilang laban sa buhay na siyang nagsisilbing halimbawa sa karamihan. Sa ngayon ang post ni Shiela ay halos umabot na sa mahigit 60K shares at libong libong komento ng pagpuri.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here