Kasabihan nga sa pag-ibig “Hahamakin ang lahat masunod ka lang” heto marahil ang isang dahilan na kahit sila ay magkaiba ng network patuloy pa rin silang nagmamahalan. Walang kinalaman ang network war as long as they love each other.

Kahit naman man sa ordinaryong tao nangyayari din ang bagay na ito, Kung minsan iba’t-ibang reaksyon din ang tinatanggap ng ating mga sikat na artista sa desisyon nilang ito ngunit ang dahilan nga naman ay trabaho lang walang personalan. Narito ang ilan sa mga sikat na artista na magka-iba ng network ngunit masayang magkarelasyon.

Kim at Jerald

Ang Momol star na si Kim Molina ay kasalukayang nasa ABS CBN at ang kanyang kasintahan na si Jerald Napoles ay nasa GMA network.

Judy Ann at Ryan

Ang Agoncillion family ay isa sa masayang pamilya sa showbiz world ngayon, isa sila sa tinitingala na may magandang pagsasama at may magandang relasyon. Si Judy Anne ay matagal nasa poder ng kapamilya at si Ryan naman ay nasa Eat Bulaga mainstay host.

Kylie at Aljur

Aljur Abrenica ay dating kapuso aktor kasama ang magandang si Kylie Padilla sa nasabing network, ngunit makalipas ang ilang taon pananatili sa GMA ngayon ay nasa Kapamilya network na ang aktor. Si Kylie naman ang kanyang misis ay nanatili pa rin sa GMA network habang sa ngayon ay nagpapahinga dahil sa kanyang pagdadalang tao.

Jason at Vickie

Vickie Rushton ay beauty queen at nasa poder ng kapamilya network at ngayon ang kanyang kasintahan nya na si Jason Abalos ay nasa GMA na dating ABS CBN talent.

Mika at Nash

Ang dating magkasama sa iisang network na si Nash Aguas at Mika Dela Cruz ay ngayon ay nasa magkaibang network simula ng lumipat sa Kapuso network si Mika at magkaroon ng iba’t-ibang proyekto sa nasabing network.

Gabbi at Kalil

Ang dalawang artista ng LSS movie na pinalabas sa sinehan kamakailan ay real life couple kahit na nasa magkaibang TV network. Si Kalil Ramos ay matagal ng taleng ng Kapamilya samantalang ang magaling na aktres na si Gabbi ay nasa Kapuso network na may kabila-kabilang project.

Tunay nga ang mga nasabing artista ay tunay nagmamahalan at hindi mo akalain na sa kabila ng pagkakaiba nila ng network ay tunay pa rin ang pag-ibig sa isa’t isa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here