Kamakailan lamang ay hinirang na kauna-unahang Miss Universe Philippines si Rabiya Mateo na kandidata mula sa probinsya ng Iloilo. Marami ang mga isyu ang lumabas sa social media tungkol sa kontrobersyal na pagkapanalo nito.

Ilan sa mga kapwa nito kandedata ay may mga hindi magagandang salita na sinasabi tungkol sa paghirang sa kanya na Miss Universe Philippines.

photo credit to rabiyamateo | ig

Samantala, ang Ilonggang si Rabiya ay hindi nagpa-apekto sa mga negatibong komento. Sa kabila ng napaka-amo at napakaganda nitong mukha, isang malungkot na kwento ng kabataan ang dinanas ng beauty queen.

Si Rabiya ay isang Filipino-Indian American dahil ang kanyang ina ay pinay, at Muslim Indian American naman ang kanyang ama na doctor. Subalit limang taon lamang si Rabiya noong iniwan sila ng kanilang ama at mag-isa syang ipinalaki ng kanyang ina. Hindi naging madali ang buhay para sa kanya.

photo credit to rabiyamateo | ig

“Kaya ’yung Mama ko talaga yung nagtaguyod and dahil sa probinsya rin kami lumaki. And sabi ko nga kailangan ko talagang magsumikap sa buhay kasi naranasan ko in the past na maputulan ng kuryente, humiga lang sa banig, magtrabaho,” wika ni Rabiya sa kanyang panayam.

photo credit to rabiyamateo | ig

Hindi nga biro ang hirap sa buhay na kanyang dinaanan kagaya ng maputulan ng kuryente dahil hindi sila nakakabayad sa oras. Kaya naman sa murang edad ay nagtrabaho na ito upang kumite ng pera at matulungan ang kanyang ina sa kanilang mga gastusin.

photo credit to rabiyamateo | ig

Marami syang naging part-time jobs, tunay ngang certified raketera upang maka-survive. Naging modelo sya at brand ambassadress ng iba’t-ibang mga produkto. Pinagsabay nya ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho.

“I had a lot of gigs because I wanted to earn something. I did everything. I studied and worked at the same time just so I can give Mama something, so we can have allowance,” wika pa nito.

photo credit to rabiyamateo | ig

Sa kabila ng kanyang hirap na dinanas, naging malakas ang kanyang loob na harapin ang mga hamon sa kanyang buhay. Nagtapos ito sa kolehiyo sa kurong Physical Therapy at isa sa mga naging cum laude. Talaga namang kahanga-hanga na beauty queen.

“So parang sa akin, bakit ko ikakahiya? Kasi gusto kong ma-remember ako ng mga tao na isa sa mga beauty queens na nagsumikap talaga sa buhay. Dugo, pawis, ang daming sakripisyo na ginawa ko. Kaya sinasabi ko sa lahat, basta maniwala lang kayo sa pangarap ninyo, matutupad talaga. Tingnan niyo ako ngayon,” banggit pa nito.

photo credit to rabiyamateo | ig

Hindi nito ikinakahiya na nanggaling sya sa mahirap na buhay at nagsumikap upang marating ang kanyang pinapangarap, at naisakatuparan na nga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here