Matagal na rin natin na napapanuod sa telebisyon ang aktor na si Amir Carlos Damaso Vahidi Agassi o mas kilala bilang si Carlos Agassi. Isa syang aktor, TV host, rapper, at modelo. Marami na rin ang kanyang mga ginampanan na mga pelikula at programa sa telebisyon.

Una siyang nakilala sa Star Circle Quest batch 3 kasama sina Piolo Pascual, Kaye Abad, Paolo Contis, at Cheska Garcia-Kramer.

Carlos Agassi | Ig

Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, kinilala din sya bilang myembro ng “The Hunks” na binubuo ng mga makikisig, matitipuno, at gwapong mga aktor na sina Diether Ocampo, Jericho Rosales, Piolo Pascual, at Bernard Palanca.

Carlos Agassi | Ig

Bukod pa rito, isa ring mahusay na rapper si Carlos na kinilala bilang “Amir-the prince of Rap”. Mayroon syang ilang albums noong taong 2000-2005.

Samantala, sa kabila ng kanyang kasikatan, galing, at pagiging magandang lalaki, dumaan ito sa matinding kalungkutan noong ito ay naging heart broken sa dating kasintahan na si Margo Midwinter, isang Filipino-Bitish at dating PBB housemate.

Carlos Agassi | Ig

Dahil umano sa malaking agwat ng kanilang edad, hindi natanggap ng kanyang ex-girlfriend ang kanyang wedding prorposal pagkatapos ng kanilang mahigit dalawang taong relasyon. Si Carlos ay 34 taong gulang noon at ang kanyang ex-girlfriend ay 26 taong gulang lamang kaya’t hindi pa handing lumagay sa tahimik.

Pagkaraan ng ilang taon, naging bukas ang puso ng aktor at umibig muli. Sa kasalukuyan ay mayroon itong girlfriend na si Sarina Yamamoto.

Carlos Agassi | Ig

Si Sarina ay non-showbiz ngunit kapansin-pansin ang kaseksihan at kagandahan nito. Proud na ibinahagi ni Carlos ang kanilang litrato sa Instagram at may caption itong “My Girl”.

Makikita sa mga larawan na masayang nakangiti ang aktor na kasama ang kanyang girlfriend. Kapansin-pansin din ang kanilang magandang sports car na Mazda MX-5.

Carlos Agassi | Ig

Sa post naman ni Sarina sa kanyang IG, makikita din ang isang kaparehang larawan at may kasama na silang aso. Ito ay may caption na “My Prince Charming”, na tinutukoy ang aktor na kasintahan.

Sana nga ay natagpuan n ani Carlos ang kanyang tunay na pag-ibig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here