Matagal na panahon din na wala tayong balita tungkol multi-awarded at beteran na aktor, modelo, TV host na si John Lloyd Cruz. Sa kabila ng kanyang umaarangkadang karera ay bigla nalang itong nawala sa showbiz. Maraming ang nagtaka sa kanyang pagpapahinga sa pag-aartista.

Ayon sa panayam sa kanya ng sikat na host na si Boy Abunda sa kanyang online show na The Best Talk, tinanong ito kung sya ba ay nakakaramdam ng pagka-burn out, sinagot naman ng aktor “And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo — wala ka nang maibibigay na tingin ko is worth their time. Kumbaga nakakahiya na lang din”.

Narealize umano ng aktor na may mga bagay pang dapat niyang pagtuunan ng pansin bukod sa kanyang trabaho sa harap ng kamera at sa mundo ng showbiz.

“At one point you realize na sobrang iksi pala ng buhay at gusto mo lang, somehow you realize na kailangan mo pala bigyan ng halaga at atensyon ‘yung mga bagay na hindi mo p’wedeng ikaila. Parang hindi mo siya made-deny eh, kailangan mo siyang gawin, otherwise parang tingin ko ayaw ko naman tatanda na magtataka ako na paano kong sinubukan ko ulit”, dagdag pa nito.

Kagaya din ng maraming lalaki na nagiging ama, nagbabago ang kanilang mga pananaw sa buhay pati na rin ang mga prayoridad. Si John Lloyd Cruz ngayon ay mayroong 2 taong gulang na anak na lalaki. At noong itinanong ito ni Boy Abunda kung sya ay masaya ngayon sa kanyang buhay, “Wala na yatang mas liligaya pa pagkamayroon kang maliit na anak, na two years old na ang kulit. Wala nang kasing saya. Ang lupet. My little savior”, ang sagot nito.

Malaki nga ang pinagbago ng aktor ngayon. Mas focus ito sa kanyang pamilya lalo na sa pag-aalaga kay Elias na nagpapasaya sa kanya ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here