Pabor ka ba sa pagpapapayat? O marahil ay kontento ka na sa kung anong hugis ng katawan mayroon ka ngayon? Kung hindi ka kontento sa iyong katawan at gusto mong pumayat, gawin mong inspirasyon si Jugs Jugueta.

Si Jugs ay mas nakilala bilang vocalist ng sikat na pinoy rock-band na Itchyworms. Lalong sumikat ang bandang ito taong 2008 noong inilabas nila ang kantang “Akin ka na Lang”. Ilan rin sa kanilang mga kanta ang “Gusto ko Lang sa Buhay” at “Beer”.

Bukod sa pagkanta, naging host rin siya sa isang noon-time show sa ABS-CBN na “It’s Showtime”. Naka-ilang beses na rin siyang naging grand champion sa yearly segment ng It’s Showtime na “Magpasikat” kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Teddy Corpuz na kapwa niya rin vocalist ng isang banda.

Marami na rin ang nakakakilala kay Jugs sapagka’t halos araw-araw itong naghohost sa “It’s Showtime” dati. Kung ikaw ay pamilyar sa kanya ay malamang ang imaheng papasok sa iyong isipan ay isang mataba at nakasalaming Jugs na may ngiti sa mukha. Subalit ang Jugs na nasa isip mo ay iba sa kasalukuyang Jugs.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Jugs ng kanyang larawan sa kanyang Instagram account. Agad namang kumalat ang larawang ito sa social media at marami ang namangha at nagulat sa naging transpormasyon ni Jugs. Makikita pa din naman ang salamin at ang kanyang ngiti, ngunit hindi na siya ang dating Jugs na mataba. Makikita sa larawan na mas payat na siya kompara dati.

Makikita rin sa kanyang ibinahaging larawan na lumiit na ang kanyang dating may kalakihang tiyan. Hindi pa ibinabahagi ni Jugs ang sekreto sa kabila ng malaking pagbawas ng kanyang timbang ngunit hindi maikukubli na ito ay isang epektibong paraan upang magpapayat.

Sa panahon ngayon, hindi talaga madali ang magpapayat. Gayunpaman, kailangan pa din kumain ng husto at maging malusog lalo na’t mayroong pandemya na kinakaharap ang sangkatauhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here