Narinig ng isang pamilya sa Florida kamakailan lang ang isang nakababahala na sa bahay ng kanilang kapitbahay na talaga namang kinakatakotan nila. Dahil narinig nila ang tila isang sigaw ng babae na para bang humihingi ng “Saklolo” sa kanila.

Sa takot nga ay tumawag na lamang ng Pulis ang mag-pamilyang iyon para masusing imbestigahan ang nasa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay. Dahil nga ito sa narinig nilang nakababahala.

Agad namang nagtungo ang 4-apat na Pulis sa lugar ng mismong inireport ng isang concerned na kapitbahay. Ngunit ang hindi nila alam ang bahay pala na iyon ay may CCTV kaya kitang-kita sa video ang ginawa ng mga Pulis bago paman nila ito tinanong ang may-ari ng bahay na may nakababahalang eksena sa loob.

Samantala, nang bumisita na ang 4-apat na ka-pulisan sa Florida ay tinanong nila ang lalakeng nandon sa garahe ng sasakyan para magbigay paliwanag kung ano ang nangyayari sa loob ng bahay at bakit may sumisigaw ng “saklolo” at sumigaw din ng “palabasin mo na ako dito”.

At nung time na gusto na ngang makita ng mga ka-pulisan ang nasa loob ay biglang napatawa ang may-ari ng bahay dahil alam niyang ito ay ang alaga niyang isang 40-years-old na Parrot.

Kaya hindi siya nagdalawang isip na ipinakita ito sa mga ka-pulisan. “I will bring out the screamer to you.” Sabi ng may-ari.

Ipinaliwanag ulit ng lalake na ang kanyang alagang Parrot ay may edad nang 40-years-old. Dahil sa tagal na nilang magkakasama halos lahat na ng kanyang mga itinuro sa kanyang alaga ay na masterize na nga, kaya naman hindi kataka-takang ito nga pala ang nakababahalang kina aalarma ng kapitbahay nila sa kabila.

At ang mga ka-pulisan ay nagulat, natawa at hindi makapaniwala sa nakita nila, “Omg! It was real.” sabi ng isang Pulis

Ipinaliwanag din ng may-ari ng Parrot sa kanyang kapitbahay na ang naturing kinababahala nila ay isa palang “Yellow-naped amazon Parrot”.

Maraming netizens naman ang nagbigay ng kumentaryo sa nasabing balita at para sa kanila tama nga lang din na tumawag kaagad ng mga ka-pulisan kapag may ganong pangyayari dahil ‘di rin natin alam ang panahon. Mas mabuti nilang ang kataas-taasan nalang ang mag imbestiga keysa tayo na walang dalang kahit ano.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here