Isa sa pinakamagandang investment na maaring puntahan ng ating pinag-hirapang pera ay ang pagkakaroon ng real estate properties. Tulad ng mga artista at mga negosyante karaniwan sa kanila ay nagpupundar ng bahay at ilang mga lupain bukod pa sa mga negosyong naipundar nila.

Isa na dito ang dating FHM most sexiest woman at tubong taga Palawan na si Katrina Halili, Si Katrina at produkto ng Starstrucks bago pa man sumikat at makilala sa husay ng kanyang pag-arte. Bukod sa magandang mukha at pangangatawan na naging puhunan upang magkaroon ng maraming proyekto sa showbizness. Kaya naman hindi malabong nakapagpundar si Katrina ng kanyang sariling ari-arian at isa na dito ang magandan nyang bahay sa El Nido, Palawan.

Ang nasabing bahay ay maaaring ihambing sa isang lihim na hardin, lugar kung saan maaaring gugulin ng seksing aktres ang kanyang mahalagang oras kasama ang kanyang anak na si Katy at ang kanyang mga mahal sa buhay. Napaganda nitong pag-masda lalo na ang mga open spaces, minimalist na kwarto, at ang mapang-akit na aesthetic na desenyo nito na halos katulad ng mga country homes sa ibang bansa.

Harapan ng Bahay

Ang unang bahagi ng kabahayan ay natayo sa gitna ng burol kung saan napapaligiran ng malaberdeng halamanan. Sa unang tingin talagang masasabi mo itong country homes inspired tulad ng madalas nating makita sa pelikula at internet.

Balkonahe

Kumbinasyong kahoy at tiles na nakakarelax sa paningin, samahan pa ng mala antigong desenyo sa ibabaw nito.

Sala

May pagkasinauna at na simpleng disenyo ang datingan kung saan lutang ang narra flooring nito, samahan pa ng ilaw na gawa sa capiz at mahabang upuan na yari din sa narra.

Kusina

Sa kusina kitang kita ang disenyong kahoy na may pagka-antigo.

Pambisitang Silid at Banyo

Dalawang pinto na may lumang disenyo at patungo sa dalawang silid tulugan ng mga bisita

Staircase

Ang paikot na hagdanan kung saan makikita ang mala diyosang larawan ni Katrina sa ding-ding paakyat dito.

Master Bedroom

Makikita naman sa kwartong ito ang napakaluwag at maaliwalas na silid, Tulad ng ibang tema ng disenyon halos makaluma din ang pagkaka disenyo nito.

Outdoor Area

Makikita sa labas ng bahay ay mayroon nakatayong bahay kubo kung saan pede maging hang-out ng ilang bisita o kaibigan.

Sa ngayon ang namamahala ng bahay ni Katrina ay ang kanyang butihing ina habang abala ang nasabing aktres sa trabaho nito sa Maynila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here