Joyce Reintegrado sa tunay na buhay ang tinaguriang Pantasya ng Bayan, kung ikaw ay batang 90’s marahil kilala mo ang napakagandang aktres na si Joyce Jimenez. Malimit niyang gampanan ang mga may matured rules na ang tema ay kaseksihan dahil doon nga naman siya nakilala.

Gumawa ng pangalan noong dekada 90 kasabayan ang ilang pang mga magagandang aktres na nakikipag talbugan sa mga karakter na nabanggit. Maraming pelikula rin ang kanyang nagawa, kung saan mas nakilala siya sa Scorpion Nights katambal ang beteranong aktor na si Albert Martinez. Sa mga magazine na may temang paseksihan ay madalas mo rin siyang makikita.

 

Ngunit marami ang nagulat nang bigla na lamang itong nawala sa sirkulasyon ng showbiz industry, Ayon nga sa GMA sa kanilang pag-sasaliksik kung nasaan at ano na ang buhay ng seksi aktres. Kanilang napag-alaman na ito pala ay may pamilya na at may tatlong anak na rin sa kanyang asawang Fil-Am na si Paul Ely Egbalic na isang United States Air Force.

Taong 2008 ng magpakasal ang aktres at simula noon hindi na ito nakita na lumabas sa telebisyon maging sa pelikula. Sa ibang kuhang larawan makikita pa naman siya na pumupunta sa ilang mga pagtitipon lalo na kung sa mga kasabayan nitong artista noon.

Sa ngayon naninirahan si Joyce sa Southern California kung saan siya ipinanganak at lumaki, kasama ang kanyang pamilya. Siya rin at ang kanyang buong pamilya ay naging advocate ng Autism awareness simula ng mapag-alaman na ang kanyang dalawang anak ay mayroon ganitong uri ng kondisyon.

 

Nakakamiss din talaga ang mga dating artista na hindi pa rin kumukupas ang ganda tulad ng tinaguriang pantasya ng bayan na si Joyce Jimenez o Joyce Reintegrado sa tunay na buhay. Iba pa rin ang mga dating artista pagdating sa aktingan, talagang mapapabilib ka sa husay ng mga ito. Ano masasabi sa mga bago at dating artista noon, komento lamang sa ibaba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here