Matatandaang noong nakaraang araw lamang ay naging laman ng balita ang Kapuso turn Kapamilya aktres na si Ryza Cenon matapos itong mag-paiksi ng kanyang buhok. Matapos ang kanyang trending looks, ngayon naman ay kanyang ibinumyag ang kanyang pag-bubuntis. Ayon sa aktres limang buwan na ang kanyang pagdadalang tao at malamang na magsilang sa buwan ng Nobyembre.
Hindi naman napabalitang may karelasyon ang aktres matapos ang kanyang pag-ibig sa isang aktor. Kaya naman ang tanong ng karamihan sino nga ba ama ng kanyang ipinagbubuntis. Kilalanin natin si Miguel Antonio Cruz isang cinematographer na nagmula sa Bacolod City. Siya ang ama ng ipinagbubutis ng aktres, at marami na rin itong nagawang proyekto sa showbiz.
Narito ang ilang matitinding showbiz project kung saan siya napabilang ang nasabing cinematographer ang “Tiyanak” (2014), “The Girl in the Orange Dress” (2018), at “Mission Unstapabol: The Don Identity” (2019). “Mission Unstapabol: The Don Identity” na naka-star ng mga superstar tulad nina Vic Sotto at Maine Mendoza; Ang “The Girl in the Orange Dress” ay nagtampok kay Jessy Mendiola, Jericho Rosales, at Derek Ramsay sa cast; at “Tyanak” ay si Judy Ann Santos bilang lead character.
Siya ay pinangalanan bilang Ultimate Female Survivor ng StarStruck Season 2 sa ilalim ng GMA Network. Gumawa siya ng balita noong 2018 nang biglaan itong lumipat sa ABS-CBN matapos ang kanyang matagumpay na proyekto sa GMA na “Ika-6 na utos” kung saan nakasama ng aktres si Sunshine Dizon at Gabby Concepcion.
Marami talagang mga pasabog ang mga artista ngayong pandemya, Halos kada linggo ay may mga bagong pagbubunyag na nagaganap sa mga paborito nating artista. Ikomento lamang ang opinyon at masasabi mo sa balitang ito.