Si Romnick Sarmenta ay kasalukuyang gumagawa ng ingay ngayon sa social media dahil sa mga balitang siya ay nasa isang rumored relationship sa artista na si Barbara Ruaro.

Samantala, si Romick Sarmenta ay ipinanganak noong April 28, 1972 siya din ay isang Filipino-actor at pinakamahusay na naaalala bilang 5-years-old na batang lalaki na gumanap sa role ng “Peping” sa isang TV series na Gulong Ng Palad.

Ngunit ang tanong ng karamihan, girlfriend nga ba ni Romnick Sarmenta si Barbara Ruaro? Dahil nito lamang June 5, nagpahiwatig si Romnick tungkol sa babaeng nagpapatibok ng kanyang puso. Nag-post siya sa Instagram ng litrato ng babaeng may hawak na bouquet of red roses.

Hindi kita ang buong mukha ng babae, maliban sa lower part ng face nito. Sa comments section, isang netizen ang pumansin kung bakit “no face” ang babae sa litrato.

Sagot ni Romnick kalakip ng smile emoji, “makikilala nyo rin po.”

Ngunit sino nga ba si Barbara Ruaro?

Si Barbara ay isang indie film actress na nagtrabaho sa mga proyekto tulad ng “Tapes” (2020), “Past, Present, Perfect” (2019), “Kung Paano Siya Nawala” (2018) at “Pinabayaan” (2019).

Inilarawan din ng indie actress ang sarili niya sa Instagram bilang isang writer, assistant director, script supervisor, at isang mental health advocate.

Pero kahit hindi tuwirang pinangalanan ni Romnick kung sino ang nasa litrato, kapansin-pansing nag-comment si Barbara ng isang simpleng heart emoji. Heart emoji rin ang sinagot ni Romnick.

Hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens na nagsabing mayroong kaparehong litrato na ipinost si Barbara sa Instagram account nito.

Sabi ng commenter, “tingin ko po so si @bieruaro…”Haaha ayun sa nunal sa upper lip at sa dibdib.”

Tila low-key lang sina Romnick at Barbara sa hinihinalang espesyal nilang ugnayan. Madalas silang mag-like at magpalitan ng heart emojis sa kani-kanilang Instagram account. Pero wala pa silang ipinapakitang litrato na magkasama sila. Pero lumalabas na pareho silang inspirado.

Nitong Miyerkules, June 10, muling nakatanggap si Barbara ng bouquet of flowers. Ipinakita iyon ng aktres sa kanyang Instagram Story na may written text na, “Thank you, Nicko. You warm this little pixie’s heart.”

{Source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here