Si Regine Tolentino ay isa sa mga naunang batch ng mga artista nang inilunsad ang ABS-CBN Talent Center na kung tawagin ngayon ay “Star Magic”. Siya rin ang naging kauna-unahang VJ ng MTV Asia noong taong 1997.  Naging aktibo si Regine sa telebisyon sa pag ganap sa mga pelikula at paghost sa sa iba’t ibang programa ng higit pa sa dalawang dekada. Isa rin siyang dancer at sa katunayan nga ay tinagurian siyang Dance Diva.

Sa ngayon, mayroon nang tatlong anak si Regine. Gayunpaman, hindi pa rin kumukupas ang kanyang ganda at hubog ng katawan. Agaw atensyon naman ngayon sa social media ang panganay na anak nito na si Reigen Maristela dahil talagang hindi maipagkukubli na namana nito ang ganda at alindog ng kanyang ina.

Maraming fans ni Regine ang sumusubaybay sa kanyang anak na si Reigen kung ito ba ay susunod sa yapak ng kanyang ina at pumasok sa larangan ng showbiz. Subalit sa ngayon ay tutok pa sa pag-aaral si Reigen dahil nasa ikalawang taon na siya ng pag-aaral sa kolehiyo.

Gayunpaman, marami pa rin ang umaasa at nagpupursige kay Reigen na pumasok sa mundo ng showbiz. Sa kabila ng lahat ng papuri kay Regine, hindi ito nagbago at nananatili pa rin itong simple at mapagkumbaba.

Masaya naman si Regine sa ipinapakitang ugali ng kanyang anak at ayon pa sa kanya ay swerte raw siya sapagka’t hindi ito maluho. Walang bahid ng kayabangan ang makikita kay Reigen, bagkus ay mahiyain pa daw ito.

Masasabing pang model ang kagandahan at hubog ng katawan ni Reigen dahil makikitang napakatangkad nito at maganda ang taste pag-dating sa fashion. Namana din nito ang talento ng kanyang ina sa pagsasayaw. Talented din si Reigen pag-dating sa design and arts kaya usap-usapan rin na maaaring siya ang susunod na magmamanage ng “Regine Tolentino Atelier” na binuong negosyo ng kanyang ina noong taong 1999.

Sa ngayon, focus muna si Reigen sa kanyang pag-aaral at wala pang kasiguraduhan kung susundan ba nito ang yapak ng kanyang ina at pumasok sa industriya ng showbiz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here