Sino ba naman ang hindi natatakot sa coronavirus na kumakalat ngayon? Maaring hindi ka natatakot para sa iyong sarili subalit labis kang nag alala para sa iyong mga mahal sa buhay.

Normal lang na makaramdam ng takot at pangamba at hindi nga ito napigilan ng aktres at komedyanteng si Pokwang pagkaalam nitong nag post sa vlog si Baninay Baustista na naging positibo umano ito sa COVID-19, kasama na ang kanyang boyfriend at buong pamilya.

Si Baninay ay dating housemate sa “Pinoy Big Brother, at ngayon ay isa naring vlogger. Sa kanyang latest na vlog, sinabi ni Baninany na nag positibo sya at ang kanyang boyfriend na si Bront Oropel na kamakailan lang ay pumanaw din ang ama dahil sa sakit.

Sa halip na maawa at makisimpatya ang aktres ay nagalit pa ito sa vloger dahil umano ay hindi nagsasabi ng katotohanan sa kanyang vlog.

“Hoy Baninay wag mong pagkaperahan yang clickbait mo para lang dumami views mo! negative kana diba last aug.2?? july 21 ka nagkasakit tapos aug.2 ok kana negative kana!” wika ni Pokwang sa kanyang Twitter.

Labis umanong nagpanic ito at umiyak sa sobrang pangamba dahil nakasalamuha nito si Baninany kamakailan lang.

“Aug.16 naglaro ka samin nagpanic kmi kanina dahil di mo sinabi sa vlog mo na late upload nayan! pa trending ka!”

“Hindi mo alam ang panic na ginawa mo samin Baninay! may anak ako at nanay na 80yrs old! sana sinabi mo agad sa vlog mo na nag negative kana last aug.2 dahil aug.16 nag guest ka sa gameshow! Hindi mo alam pakiramdam ng isang ina na sobrang nag aalala sa ganitong pandemic!” dagdag pa ni Pokwang.

Ipinagtanggol naman ng boyfriend si Baninay laban sa paratang ni Pokwang na pinagkakaperahan lang daw umano ang pagpopost ng video na umabot nan g mahigit 54, 000 likes at mahigit 6, 000 comments.

“Nagpositive po ang buong pamilya namin. Hindi po namin kaya na pagkavlog ay iupload agad, sa pageedit po nahihirapan na kami lalo na po sa pagluluksa sa papa ko at sa trauma,” sagot naman ni Oropel sa paratang ng aktres sa Twitter.

“After namin magnegative ay may quarantine pa po kaylangan namin magpalakas at iset-aside muna ang sakit ng pagkawala ng papa ko. Hindi po madali miss pokwang, kaya nakakalungkot po na iniisip nyo pinagkakakitaan pa namin ang nangyare,” dagdag pa ni Oropel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here