Naaalala nyo pa ba ang batang magaling kumanta na si Lyca Jane Epe Gairanod? Dahil sa kanyang angking galing sa pag-awit ay sya ang tinanghal na The Voice Kids Season 1 Big Winner.

Maalalang madalas nyang kantahin ang mga awitin ng bandang Aegis. Kinanta din nito ang awiting “Narito Ako” sa grand finale na nagbigay sa kanya ng daan na masungkit ang tropeyo at manalo.

Pagkalipas nga ng kanyang pagkapanalo ay nagkaroon ito ng contract sa ilalim ng MCA Music Inc. Dahil sa papremyo na kanyang napanalunan, natulungan nya ang kanyang pamilya lalo na ang magkaroon ng maayos ay desenteng tirahan.

Noong nakaraan ay nagbahagi si Laica ng kanyang house tour vlog sa kanilang lumang tirahan sa Tanza Cavite. Naging emosyunal ito dahil naging malaking bahagi na ng kanilang buhay ang kanilang bahay na malapit lamang sa dagat.

Samantala, sa latest vlog naman nito ang kanya ng ipinakita ang kanilang bagong tirahan na ipinagawa ni Lyca malapit lamang sa una nilang tirahan na kanyang kinalakihan.

Makikita sa vlog na simple lamang ang bahay. Sa pagpasok ay naroon na ang kanilang shoe rack, at kusina sa katabi nito.

Ipinakita din nito ang kanilang munting dining area kung saan sila nagsasalu-salo. Wika pa ni Lyca ay sa sahig nalang daw ang iba kumakain kapag hindi na sila magkasya doon kapag nagtitipon-tipon silang buong pamilya.

Mayroon din silang entertainment area kung saan naroon ang isang malaking flat screen TV na paborito nilang tambayan na magkakapatid upang pampalipas ng oras at mag bonding.

Ipinagawa din nya ang kanilang kawarto kung saan magkakasama silang mga babaeng magkakapatid. Mayroon na din itong aircon upang hindi na umano ito pawisan at mainitan dahil sa napuna ito sa kanyang mga nakaraang video na madalas syang pinapawisan sa kanyang mga vlogs.

Mapapansin na marami na din ang mga gamit at damit ng batang singer dahil mayroon na din itong mga sponsors. Mahilig din daw ito sa mga pabango.

Sa kabila naman ng kanyang tagumpay at kasikatan, hindi parin nagbabago itong si Lyca at simple pa rin ito at walang masyadong kaartehan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here