Ngayon dumadanas ng pandaigdigang pandemya ang buong mundo at sinasabayan pa ng mainit na panahon kanya kanyang paraan upang maibsan ang pagkainip at init na nararamdaman ng ating mga paboritong artista.

Isa ang ating bansa na sumasailalim din sa quarantine upang kahit papaano mapigilan ang pagkalat ng virus sa ating bansa. Halos dalawang buwan na simula ng ipatupad ang pananatili sa ating tahanan kaya iba’t ibang libangan o gawain ang ginagawa sa loob ng bahay para mabawasana ang pagkainip.

Silipin naman natin ang ilang celebrities kung paano pinapawi ng mga ito ang init at inip sa pamamagitan ng paggawa ng sariling swimming pool. Tunay na enjoy pa rin ang summer sa pamamagitan ng mga paraang naisip ng mga ito.

Solenn Heussaff at Nico Bolzico
Hindi rin nagpahuli ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang kanilang sanggol sa kanilang mini pool set up.

Kim Molina
Nag-ala serena naman ang peg ni Kim Molina sa pagsusuot nito ng buntot ng sirena at nagtampisaw sa kanyang pool setup sa kanilang garahe.

Yasmien Kurdi
Inflatable pool sa tahanan ni Yasmien Kurdi kasama ang kanyang asawa at anak, makikita naman sa larawan na enjoy sila sa ganitong set-up.

Jelai Andres
Iba naman ang ginawang pool ni Jelai, ito ang likod ng kanyang pick up car. Pinalibutan nito ng plastic ang paligid ng sasakyan upang paglagyan ng tubig.

Camille Prats
Masayang bonding naman ang ibinahagi ni Camille kasama ang asawa at tatlong anak nito upang kahit papaano mapawi ang init.

Iyah Villania at Drew Arellano
Sinulit naman ng mag-asawang Drew at Iyah ang kanilang swimming kasama na rin ang kanilang anak na si Primo at Leon.

Saab Magalona
Cute na mga anak ni Saab ang kanyang ka kabonding sa kanilang maliit na pool.

Dingdong Dantes at Marian Rivera
Sa bahay naman ng mga Dantes isa ring inflatable pool ang set-up ng pamilya kasama ang kanilang mga anak na si Zia at Sixto.

Kiray Celis
Hot bods naman ang ibinahagi ni Kiray na may maliit na iflatable pool kung saan nakapwesto ito sa kanilang rooftop.

Angelika dela Cruz
Ang ganda ng view ng improvised swimming pool set up ni Kap Angelika kasama nito ang kanyang pamilya.

Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos
Kahit naman medyo siksikan nagawa pa rin magsaya ng mga supling ni Juday at Ryan. Makikita naman ang ngiti sa kanilang mga mukha at tiyak naman na enjoy ang mga ito.

Tim Yap
Tila naman mala paraiso ang swimming pool DIY set up ni Tim.

Aubrey Miles at Troy Montero
Sa kuhang larawan enjoy na enjoy naman ang mag-asawang Troy at Aubrey sa kanilang simpleng pool set up.

Bianca Gonzalez
Hindi rin naman nagpahuli ang PBB housemate na si Bianca kapiling ang mga anak sa paliligo sa kanilang mini pool kung saan ang asawa nitong si JC Intal pa ang gumawa nito.

Mikee Quintos
Sobrang tuwa naman ang bonding ng magkapatid na Quintos sa kanilang pampawi init.

Kayo paano ninyo idinaos ang summer feels ninyo. Stay safe!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here