May mga oras na ang karamihan sa mga mag-asawa ay nawawalan ng oras sa bawat isa. Madalas silang abala sa kani-kanilang mga gawain at tungkulin na ginagampanam. Dahil nga dito, ay hindi na nila magagawang makipag-date o magkaroon ng kalidad na oras na magkakasama dahil mayroon din silang mahalagang bagay sa kanilang buhay pamilya na kailangan nilang unahin.

Katulad nalang ng mag-asawang Senador Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao. Dahil nga pareho silang madalas na busy sa kanilang trabaho at negosyo.

Tulad nalang kay Jinkee na abala sa pag-aalaga sa kanyang asawa at kanilang mga anak at si Senador Manny naman ay abala sa trabaho bilang isang pulitiko. Ay talaga namang masasabi mong wala na silang panahon na magdidinner-date man lang sa hapunan.

Kaya nga naisipan ng paraan ng kanilang mga anak na sina Emmanuel, Michael, Princess at Mary ang paghanda ng isang espesyal na dinner date sa kanilang magulang.

Laking tuwa naman ng Mommy nilang si Jinkee ang ginawa ng kanilang anak. Sa katunayan nga ay naging emotional ito sa pasorpresang inihanda sa kanilang dalawa ni Senador Manny.

Ang loving mommy nating si Jinkee naman ay nagbahagi ng isang larawan sa kanyang social media accounts habang tinatamasa nila ang dinner date nila para sa hapunan na inihanda ng kanilang mga anak.

“Surprise Dinner Date. Itong surprise na to ay effort ng mga anak ko @marypacquiao @pacquiao_queenie @pacquiao.emmanuel and @apacquiao.michael salamat sa inyo mga anak ko. Natouch ako kaya diko napigilan umiyak.” Sabi ni Jinkee sa kanyang Instagram post.

Ang mga magkakapatid ay nagplano ng isang sorpresa para sa kanilang mga magulang dahil mas nais nilang maging masaya ang mga ito at maranasan ang isang dinner date na inihanda nila. Bukod doon, binigyan pa ng kanilang mga anak si Jinkee ng isang bouquet ng bulaklak at letters.

“May pa bulaklak pa yan at letter! Sabi nila hindi daw nila kami nakikita na nagdi-date sa labas kahit nung wala pang quarantine kaya naisip nila na mag set up ng dinner for us. Ka sweet sa akua mga anak! Abi man nako mothers day gihapon!” Dagdag pa ni Jinkee sa kanyang Instagram post.

Ipinahayag din ni Jinkee ang kanyang pasasalamat sa mga anak, sinabi niya siya at si Manny ay talaga namang mapalad na maging magulang ng kanilang mga sweet na anak.

“We are very grateful to God for our children! Thank you Lord for choosing us to be their mom and dad, to love and care for them!

Ang dinner setup sana sa labas ng room namin kaso umulan kanina nilipat sa office ni Manny #surprisedinnerdateathome.” Biro pa ni Jinkee sa Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

Surprise Dinner Date 🧡 Itong surprise na to ay effort ng mga anak ko @marypacquiao @pacquiao_queenie @pacquiao.emmanuel and @pacquiao.michael salamat sa inyo mga anak ko. Natouch ako kaya diko napigilan umiyak. May pa bulaklak pa yan at letter! 😭 Sabi nila hindi daw nila kami nakikita na nagdi-date sa labas kahit nung wala pang quarantine kaya naisip nila na mag set up ng dinner for us. Ka sweet sa akua mga anak! Abi man nako mothers day gihapon! 🤭😅 We are very grateful to God for our children! Thank you Lord for choosing us to be their mom and dad, to love and to care for them! 🥰🥰🥰 Ang dinner setup sana sa labas ng room namin kaso umulan kanina nilipat nila sa office ni Manny. 😂 #surprisedinnerdateathome♥️

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here