Sa mundo na puno ng mga hindi maipaliwanag na kaganapan o kahit nararamdaman tulad ng pag-ibig o pagmamahal sa isang tao na kung minsan hindi natin maipaliwanag. Sa isang panibagong programa na tinawag na 90 Day Fiance UK kung saan kabilang si Shaun na isang Briton at kasintahan nitong Pinay na si Christine.

Ang 90 Day Fiance UK ay reality show program ng isang TV station sa UK kung saan ang bawat kalahok ay susubaybayan ang buhay ng nasabing programa, bukod pa diyan ang mga kasali dito ay pawang mga magkasintahan na ang estado ay long distance relationship o LDR kung tawagin.

Ang Briton at ang ating kababayan na kalahok dito ay isang dekada ng magkakilala, nagsimula ang kanilang relasyon online. Si Shaun na 41 anyos na ay taga Hampshire sa South East England, samantala ang ating kababayan na si Christine ay 42-anyos mula naman sa Antipolo. Mayroon silang anak na siyang pinapadalhan ng suporta ni Shaun kada buwan at umaasa din itong balang araw makakapiling ang mag-ina.

Samantala marami ang nagtaas ng kilay sa buwanang sustento ni Shaun sa kanyang kasintahan, kada buwan ay nagpapadala ito ng £400 o 27,000 pesos katumbas ng ating pera. Aminado ang Briton na hindi naman siya maperang tao kahit na ang trabaho nito sa kanilang bansa ay isang cleaning manager at nagsisikap siyang makaipon para sa mag-ina, para na rin sa Divorce ni Christine sa dating nitong asawa.

“From all these eight years I’ve been with Christine, I wouldn’t know how much money I would have sent her. But all I know is it’s in the hundreds of thousands. It’s worth every penny,”

“After I’ve sent Christine the money, there’s enough for me to pay my bills at least, and then when I look again, I’ve got about £50-£60 for myself, and that’s more than enough to see me through the month.”

“I don’t have the money, but I am going to be saving up for it and then we can get married. Yes, they’re still married, but they don’t live with each other. I don’t feel jealous about it, because I know she loves me, and I love her,” – pagkukwento ni Shaun.

Bagamat ganito nga ang naging sitwasyon ng dalawa, nagpahayag din ng pagkabahala ang pamilya ni Shaun at ilang malalapit dito kung bakit siya nagpapadala ng pera pa sa kanyang kasintahan.
“When I started sending her money, my parents and all my friends started saying, ‘Why are you sending her money?’ But, to be honest with you, I don’t really care, I’m following my heart. It’s my choice. So, you either be part of me in the circle, or you’re not.”

“Well, one, it’s got nothing to do with you, and two, mind your own business. What the heart wants, the heart gets. Alright? I chose this path for me,” – pagtatapat ng Briton.

Marahil sa klase ng tao ni Shaun na malungkutin at madalas mag-isa lamang sa buhay kaya naman nang magkaroon ng pagkakataon na magkakilala sila ni Christine ay hindi nito mawari ang kasiyahang nararamdaman at sinabi niya sa kanyang sarili na si Christine na ang babaeng kanyang hinahanap.

Sa ngayon inaayos na ni Shaun ang papeles ni Christine upang makapunta ito sa UK at si Shaun naman paminsan minsan umuuwi sa ating bansa upang makita si Christine ng personal kudo pa sa madalas nilang pag-uusap sa videocall.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here