Kilala si Piolo Pascual o Piolo Jose Nonato Pascual na isang sikat na Kapamilya leading man at mang-aawit. Noong Enero ika-12 ay ipinagdiwang ni Piolo ang ika-43 niyang kaarawan kasama ang mga mahal niya sa buhay. Ginanap ang selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kanyang rest house sa Batangas.

Gamit ang kanyang Youtube channel, ibinahagi ni Piolo sa kanyang mga fans at taga-suporta ang kanyang magandang rest house. Napapalibutan ng maraming puno o kagubatan ang kanyang rest house. Mula sa rest house ay mabibighani ka sa tanawin ng karagatan. Madaling makikita ng mga mata ang puting kulay ng panlabas na anyo ng bahay bakasyunan, subalit malayo ito sa ibang mga bahay.

Ang YouTube video ni Piolo ay tumatagal ng 3 minuto. Makikita sa video na masayang pinapanood ng aktor at ng kanyang pamilya ang fireworks display. Mapapanood mo din sa video ang pagkanta ng “Happy Birthday” ng kanyang mga bisita at pag-ihip ni Piolo sa nakasinding kandila sa ibabaw ng cake.

Naunang ibahagi ni Piolo ang litrato kung saan makikita siyang masayang nagbababad sa ilalim ng init ng araw sa isang yate. Ang litratong pinakanakatawag pansin ay ang litrato ni Piolo na nakatingin sa bulkang Taal. Makikita sa litratong ito ang pagbuga ng maitim at makapal na usok ng bulkang Taal.

Nakasaad sa Facebook Account na nasa Mabini, Batangas si Piolo nang kunan ang litratong ito. Ang bulkang Taal ay nasa 50 kilometrong distansya lamang mula sa Mabini, Batangas. Malapit lamang ang rest house ng aktor mula sa bulkan.

Aksidenteng nagkasabay ang kaarawan ni Piolo at ang pagsabog ng bulkang Taal. Ayon kay Piolo, hinihiling niya ang kaligtasan ng lahat mula sa kalamidad. Ang rest house ni Piolo sa Batangas ay bunga ng kanyang pagsisikap bilang artista.

Ang huling Kapamilya telenobela kung saan napanood si Piolo ay ang “Since I Found You”. Ito ay pinalabas sa Primetime Bida noong taong 2018. Ang “Since I Found You” ay pinagbibidahan ni Piolo Pascual at Arci Muñoz.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here