Hindi mo nga naman masasabi ang takbo ng buhay, marami sa atin ang hindi bumitaw sa kanilang pangarap at kalaunan nakamit ito sa pamamagitan ng pagpupursige na may halong dedikasyon. Ganito ang ibinaghagi ng isang anak na sobrang proud sa kanyang ama. Sa isang socmed group nagbahagi si Marc Randall Sicat ng isang istorya na kakapulutan ng inspirasyon at aral.

Si Marc ay sobrang proud na anak sa kanyang ama na ngayon ay isang matagumpay na Engineer at negosyante, ayon sa kanya naging saksi siya sa hirap na pinagdaanan ng kanyang ama mula noong kabataan niya. Namulat si Marc na ang kanyang ama ay isang tindero ng suka, galon-galon na suka ang dala nito sa kanyang tulak na kariton para lamang maideliver sa mga suki nito.

 

Ganun pa man ang sitwasyon ng kanyang ama nagpatuloy ito sa pag-aaral at pinagsabay ang pagtitinda at pagpasok sa eskwela, sa madaling salita hindi ito pinanghinaan ng loob para makamit ang pinapangarap sa buhay. Ngayon sa kasalukuyan ang ama ni Marc ay isa ng Engineer at Negosyante, kung saan nakagawa na ito ng maraming proyekto at hindi biro ang maging naging kliyento nito bilang Engineer.

Narito ang buong post at kwento ng isang pruod na anak na si Marc;

Hi Home Buddies!
Gusto ko lang sana i-share ang success story ng dad 👷🏻‍♂️ko since Birthday 🥳 niya ngayon.
From selling vinegar 💦to constructing high rise buildings 🏢 🏗
From travelling the streets of Pampanga 🚶to travelling around the world✈️
From nothing 🤦to something💁‍♂️
From a house above the creek 🏚to a home of worthy of filming🏡🎥
From pushing a kariton🚶🏻‍♂️ to driving a car🚗
Sana po basahin niyo kahit mahaba. Maiinspire po kayo ng sobra! Sa sobrang amazing pwedeng pwede sa MMK at KMJS 😂

Story:
Ang aking papa ay pinanganak sa isang MAHIRAP na pamilya sa isang barrio sa Pampanga. Pang-apat siya sa kanilang walong magkakapatid at ang kanyang mga magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

Subalit hindi naging hadlang ito para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bata pa lamang siya ay natuto na siya kung paano magnegosyo at magtinda. Ang pinaka naging negosyo niya habang siya ay nasa elementarya pa lamang hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay ang pagtitinda ng SUKA.

Ipinagsasabay niya ang kanyang pag-aaral habang nagtutulak ng kariton sa buong San Fernando, Angeles, at Mexico. Galon galon na Suka ang kanyang tinitinda at kilo kilometro ang binabaybay niya araw-araw para maitinda ang lahat ng ito. Ang nalilikom niyang pera ay kanyang pinang-papaaral sa kanyang sarili at binibigay niya sa kanyang mga magulang at mga kapatid.

Noong kolehiyo siya ay nag-enroll ng Civil Engineering sa Holy Angel University. 7 years niya ito tinapos dahil nga siya ay nagtitinda ng suka. Noong mga panahong ito siya rin ay nagdududa kung ipagpapatuloy niya pa ba ang pag-aaral sapagkat sa kanyang isip ay mas malaki pa ang kanyang kinikita sa pagtitinda ng suka. Pero mas pinili niyang ipag-patuloy ang pag-aaral dahil mas nais niyang mas maging matagumpay. Pagkagraduate niya siya ay nagtake ng Board Exam at kanya itong napasa. Isa siya sa mga naunang LICENSED Civil Engineer sa kanilang barrio.

2 years niyang mamasukan bilang isang Engineer siya agad ay nagtayo ng kanyang sariling CONSTRUCTION COMPANY. Sa loob ng 2 years bago niya itayo ang kanyang kumpanya siya ay pumunta sa Manila at siya ay nalayo sa kanyang pamilya. Hindi naging madali ito sapagkat minamaliit siya dahil siya ay graduate ng probinsya at syempre malayo nga sa pamilya. Ngunit dahil sabak na siya sa HIRAP ng buhay bata palang kaya na kaya niyang gawin ito kahit na wala siyang puhunan at mga gamit. Maraming nagtiwala sa kanyang mga clients at lalampas na ng 1000 projects ang kanyang natapos sa araw na ito. May mga buildings, bahay ng artista, mga malls, mga sikat na restaurant gaya ng Tokyo tokyo at Burger King, mga sikat ng Hospital at eskwelahan at marami pang iba.

Noong bago pa lang sila mag-asawa ni mama nakita ko ang mga pictures namin dati. Nangungupahan lang sila dati. Tapos lumipat sila ng bahay at iyong bahay na yun ay itinayo sa ibabawa ng SAPA o creek. Kung-makikita niyo wala man lang pintura yung pader na pinost ko sa mga pictures. Pero ngayon yung new house na ginawa din ng dad ko ay pinagshooshootingan pa. Dati nilalakbay niya buong pampanga para magtrabaho at magtulak ng kariton pero ngayon nakakapagbakasyon na siya sa ibang bansa. Dati kariton lang tinutulak niya ngayon kotse na ang kanyang minamaneho.
Pero syempre ang lahat ng ito ay hindi mangyayari kung hindi TINANGGAP ng papa ko si

HESUS bilang kanyang Diyos, Hari, at Tagapagligtas.
“For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”
‭‭John‬ ‭3:16‬ ‭NIV‬‬

“If you declare with your mouth, “Jesus is Lord,” and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved.”
‭‭Romans‬ ‭10:9‬ ‭NIV‬‬
Kaya TO GOD BE THE GLORY!
Happy Birthday din sayo Papa! I love you!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here