Isa sa mga naging usap-usapan at inabangan ng tao na love story ay ang pag-iibigan ng dalawang Kapamilya stars na sina Matteo Guidicelli at Popstar princess Sarah Geronimo.

Si Matteo ay isang Italian-Filipino na ipinanganak sa Cebu ng kanyang mga magulang na sina Gianluca Guidicelli, at Glenna Fernan. Sya ay apo ng dating Cebu Provincial Prosecutor Vicente “Inting” Fernan.

Samantala, natuwa ang mga netizens sa mga na-upload na mga litrato sa Instagram na ibinhagi ng pamilya ng aktor. Ito ay mga lumang larawan ni Matteo noong sila ay maliliit pa lamang. Nakakataba din ng puso ang isa-isang pagbabahagi ng mensahe ng kanyang pamilya para sa kanya.

Si Matteo umano ay napaka responsableng anak at kapatid, maalalahanin at mapagmahal. Nagbibigay talaga umano ito ng oras sa kanyang pamilya sa kabila ng kanyang napaka busy na trabaho at lalo na ngayon na nag-asawa na sya.

Mapapansin ang cuteness at charm ng aktor noong siya ay bata pa.

Unang nakilala ang aktor sa kanyang karera sa car racing na nagsimula pa lamang noong siya ay 11 taong gulang pa lamang.  Ngayon ay isang reservist ng Philippine Army si Matteo bilang 2nd Lieutenant ng Armed Forces of the Philippines.

Noong nakaraan ay naging usap-usapan ang kasal nila ni Sarah dahil umano ay hindi naimbitahan na dumalo ang mismong ina ng singer na si mommy Divine dahil na rin sa palaging pagpipigil nito sa buhay pag-ibig ng anak na si Sarah. Marami naman ang sumuporta sa desisyon ng dating magkasintahan dahil nasa tamang edad na din sila.

Marami din ang napabilib sa kanilang honeymoon sa Amanpulo sa Palawan, isang pribadong resort na napakaganda. Iilan lamang ang nakakapunta sa nabanggit na private resort dahil sa napakamahal ang pagpunta doon na kinailangan pang mag renta ng isang private plane.

Sa kasalukuyan ay masaya ang mag-asawang Sarah at Matteo sa bagong yugto ng kanilang buhay bilang mag-asawa. Abala din sila ka kani-kanilang mga trabaho bilang endorsers, artista, singer at model.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here