Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /srv/users/readph/apps/readph/public/index.php:1) in /srv/users/readph/apps/readph/public/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
Bella Poarch Archives - READit https://readph.com/tag/bella-poarch/ read and learn to know more Wed, 09 Dec 2020 05:31:28 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.3 https://readph.com/wp-content/uploads/2018/08/cropped-readit-32x32.png Bella Poarch Archives - READit https://readph.com/tag/bella-poarch/ 32 32 Pinay na “TikTokerist, umabot na sa 700 million ang likes ng kanyang video, maituturing na “most watched” video ng TikTok https://readph.com/pinay-na-tiktokerist-umabot-na-sa-700-million-ang-likes-ng-kanyang-video-maituturing-na-most-watched-video-ng-tiktok/ https://readph.com/pinay-na-tiktokerist-umabot-na-sa-700-million-ang-likes-ng-kanyang-video-maituturing-na-most-watched-video-ng-tiktok/#respond Wed, 09 Dec 2020 05:31:28 +0000 https://readph.com/?p=10047 Mapa-bata, matanda, babae o lalaki, sa iba’t-ibang sulok ng mundo, sikat na sikat ngayon ang mobile app na TikTok. Marami ang nagpapakita ng kanilang galing sa pagsasayaw, pagsasalita, pag-aarte, pagluluto, at kung anu-ano pa. Kapag nababagot at walang magawa, ito ang madalas libangan ng ibang tao at pangtanggal lungkot at problema. Nagunit, bukod pa rito […]

The post Pinay na “TikTokerist, umabot na sa 700 million ang likes ng kanyang video, maituturing na “most watched” video ng TikTok appeared first on READit.

]]>
Mapa-bata, matanda, babae o lalaki, sa iba’t-ibang sulok ng mundo, sikat na sikat ngayon ang mobile app na TikTok. Marami ang nagpapakita ng kanilang galing sa pagsasayaw, pagsasalita, pag-aarte, pagluluto, at kung anu-ano pa.

Kapag nababagot at walang magawa, ito ang madalas libangan ng ibang tao at pangtanggal lungkot at problema. Nagunit, bukod pa rito marami din ang naging instant sikat at instant “TikTokerist Star” dahil sa pagba-viral ng videos.

photo credit to bella.poarch | ig

Kagaya na lamang ng isang Filipina na nakabase sa Amerika na si Bella Poarch na ngayon ay itinuturing na isang certified TikTokerist dahil sa viral TikTok video nito na umabot na ng 700 million views.

photo credit to bella.poarch | ig

Si Bella ay 23 taong gulang ngayon, ngunit noong 13 taong pa lamang daw sya ay lumipat na sila ng kanyang pamilya sa Amerika upang doon na lamang manirahan. Nakatira sina Bella at ang kanyang pamilya sa Hawaii, at mahigit tatlong taon din umano syang nagsilbi sa US Navy.

photo credit to bella.poarch | ig

Nagsimula umanong nakilala sa mundo ng TikTok itong si Bella dahil sa kanyang video ng “M to the B” na naging viral at itunuturing na “most watched” video ng naturang app.

photo credit to bella.poarch | ig

Samantala, mapapansin naman ang napakaraming tattoo ng dalaga sa kanyang katawan. Binatikos umano ito ng mga Koreano dahil sa kanyang tattoo dahil nakalagay ang simbolo na kawangis ng isang Japanese Rising Sun na ang ibig sabihin nito sa mga Koreano ay “oppression”.

photo credit to bella.poarch | ig

Agad naman na humingi ng paumanhin at pag-unawa ang dalaga dahil hindi naman nya umano sinasadyang ganun ang mensahe ng kanyang tattoo sa katawan at wala itong intensyon na makapanakit ng damdamanin ng mga Koreano. “Im very sorry if my tattoo offends you. I love Korea please forgive me,” banggit pa ni Bella.

photo credit to bella.poarch | ig

Samantala, ibinunyag naman ng dalaga sa kanyang Twitter account na mayroon itong mental health issue dahil sya umano ay na diagnose na mayroong PTSD at major depressive disorder simula pa noong 2017. Nagunit wala naman umanong dapat ikabahala dahil may maayos umano itong support system.

Sa kasalukuyan ay mayroong napakaraming supporters sa TikTok si Bella na umabot na ng 43 million.

The post Pinay na “TikTokerist, umabot na sa 700 million ang likes ng kanyang video, maituturing na “most watched” video ng TikTok appeared first on READit.

]]>
https://readph.com/pinay-na-tiktokerist-umabot-na-sa-700-million-ang-likes-ng-kanyang-video-maituturing-na-most-watched-video-ng-tiktok/feed/ 0