Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /srv/users/readph/apps/readph/public/index.php:1) in /srv/users/readph/apps/readph/public/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
Jennelyn Mercado Archives - READit https://readph.com/tag/jennelyn-mercado/ read and learn to know more Sat, 03 Oct 2020 10:35:47 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.3 https://readph.com/wp-content/uploads/2018/08/cropped-readit-32x32.png Jennelyn Mercado Archives - READit https://readph.com/tag/jennelyn-mercado/ 32 32 Jennelyn Mercado, Hinangaan sa Kanyang Pagtatanggol sa mga Kapwa Single Moms sa mga Mapanirang Komento sa Social Media https://readph.com/jennelyn-mercado-hinangaan-sa-kanyang-pagtatanggol-sa-mga-kapwa-single-moms-sa-mga-mapanirang-komento-sa-social-media/ https://readph.com/jennelyn-mercado-hinangaan-sa-kanyang-pagtatanggol-sa-mga-kapwa-single-moms-sa-mga-mapanirang-komento-sa-social-media/#respond Sat, 03 Oct 2020 10:34:53 +0000 https://readph.com/?p=9783 Dahil sa social media, may mga taong malayang nakakapag pahayag ng kanilang mga saloobin at mga pananaw sa buhay. Ngunit hindi rin maikakaila na may mga taong hindi iniisip kung makakasakit sa kapwa ang mga komento at posts. Kaya naman ang celebrity mommy na si Jennelyn Mercado ay hindi napigilan na ipagtanggol ang mga kapwa […]

The post Jennelyn Mercado, Hinangaan sa Kanyang Pagtatanggol sa mga Kapwa Single Moms sa mga Mapanirang Komento sa Social Media appeared first on READit.

]]>
Dahil sa social media, may mga taong malayang nakakapag pahayag ng kanilang mga saloobin at mga pananaw sa buhay. Ngunit hindi rin maikakaila na may mga taong hindi iniisip kung makakasakit sa kapwa ang mga komento at posts.

Kaya naman ang celebrity mommy na si Jennelyn Mercado ay hindi napigilan na ipagtanggol ang mga kapwa nya single moms dahil sa isang mapanghusgang komento sa Twitter.

“Respeto naman sa mga babaeng inanakan lang!” ito ang isang komento na hindi nagustuhan ni Jennelyn at nagpost din ito ng kanyang sagot laban sa naturang post.

“To all the single moms out there, Never let comments like this get to you. Having a kid early doesn’t make you less of a woman. In fact, it’s the opposite. Being a single parent made us stronger than ever. Mahirap maging nanay at tatay ng ating (mga) anak pero kinakaya natin”, pahayag ng aktres.

Kinakaawaan umano ng aktres ang mga taong mapanira sa mga single moms dahil kahit ano pang gawin nila ay hindi daw nila kayang pigilan ang mga single moms na patuloy na palakihin at alagaan ang mga anak kahit pa mag-isa lang at walang asawa.

Marami ang bumilib kay Jennelyn at nakisimpatya at sumuporta sa mga single moms kasama na rito ang aktres din na si Chynna Ortaleza.

Maalalang si Jennelyn ay nasa kasikatan at tugatog ng kanyang karera ng biglang napabalita na ito ay nagdadalang tao sa kanyang karelasyon sa aktor na si Patrick Garcia. Ipinanganak nito si Alex Jass noong 2008.

Ngayon ay 12 taong gulang na si Alex at makikitang maganda pa rin si Jennelyn at mukhang hindi nanay. Matagal na itong naka move on sa malungkot na nakaraan at mas malakas ng hinaharap ang mga hamon sa buhay.

Mas lalo pa itong lumakas na harapin ang buhay dahil nakayanan nitong itaguyod at palakihin ang anak ng mag-isa at saludo ito sa mga kapwa nyang single moms.

The post Jennelyn Mercado, Hinangaan sa Kanyang Pagtatanggol sa mga Kapwa Single Moms sa mga Mapanirang Komento sa Social Media appeared first on READit.

]]>
https://readph.com/jennelyn-mercado-hinangaan-sa-kanyang-pagtatanggol-sa-mga-kapwa-single-moms-sa-mga-mapanirang-komento-sa-social-media/feed/ 0