Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /srv/users/readph/apps/readph/public/index.php:1) in /srv/users/readph/apps/readph/public/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
John Regala Archives - READit https://readph.com/tag/john-regala/ read and learn to know more Thu, 30 Jul 2020 18:00:27 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.3 https://readph.com/wp-content/uploads/2018/08/cropped-readit-32x32.png John Regala Archives - READit https://readph.com/tag/john-regala/ 32 32 Batikang Aktor na si John Regala Nakita sa Tabing Kalsada na Humihingi ng Tulong Dahil sa Kanyang Karamdaman https://readph.com/batikang-aktor-na-si-john-regala-nakita-sa-tabing-kalsada-na-humihingi-ng-tulong-dahil-sa-kanyang-karamdaman/ https://readph.com/batikang-aktor-na-si-john-regala-nakita-sa-tabing-kalsada-na-humihingi-ng-tulong-dahil-sa-kanyang-karamdaman/#respond Thu, 30 Jul 2020 18:00:27 +0000 https://readph.com/?p=9464 Isa sa mga batikang aktor si John Paul Guido Boucher Scherrer o mas kilala sa pangalang John Regala. Madalas siyang kontrabida sa mga aksyon na pelikula at mga palabas sa telebisyon noong dekada 90. Naparangalan din ito noong 2011 bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival sa kanilang pelikulang Manila Kingpin: The Asiong […]

The post Batikang Aktor na si John Regala Nakita sa Tabing Kalsada na Humihingi ng Tulong Dahil sa Kanyang Karamdaman appeared first on READit.

]]>
Isa sa mga batikang aktor si John Paul Guido Boucher Scherrer o mas kilala sa pangalang John Regala. Madalas siyang kontrabida sa mga aksyon na pelikula at mga palabas sa telebisyon noong dekada 90. Naparangalan din ito noong 2011 bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival sa kanilang pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Subalit pagkaraan ng ilang taon ay bigla nalang itong nawala sa industriya at napabalitang nalulong sa ipinagbabawal na droga.

Noong 2017, naging viral naman ang kanyang litrato sa social media na nakunang tila nakabulagta sa isang lugar. Ayon sa panayam sa aktor, bigla daw umanong tumaas ang kanyang sugar at biglang sumama ang pakiramdam.

Kamakailan lamang ay muli na naman siyang usap-usapan sa social media pagkatapos makita ang kanyang kaawa-awang sitwasyon at itsura.

‘’Siya po Si Mister John Regala Ang sikat na kontra bida humingi nang tulong po sa aken kase nahihilo po siya may hinahanap siya na nurse Ang kaso di ko po siya maintindihan kase po medyo utal na po magsalita dahil nahihilo po siya kaya humingi siya nang tulong saken at agad Naman po akong lumapit sa mga tanod at pulis na para matulungan dito po siya sa lugar nang BRGY.183 PASAY CITY tapat nang lots a pizza masakit lang isipin na Ang dating idolong kontra bida ay NASA ganyang kondisyon. Kaya mas minabuti ko munang Hindi umalis hanggat di pa siya naaasikaso kahit na ako’y may deliver pa maraming salamat sa mga tanod at health worker na tumulong”, sabi ni Carlo Mati S. Clariza sa kanyang Facebook post na nag trending.

Ayon naman kay Rose Villajin, barangay health officer, nakausap nya ang aktor at sinabi daw nito na 15 na araw na syang hindi makakain dahil isinusuka daw nito ang kinakain.

“Tinanong ko, ‘Sir ano po ba ang problema?’ ‘Ma’am, may liver cirrhosis po ako, may tubig po ang tiyan ko, bloatedness po ako at hindi po ako kumakain ng 15 days,’” sabi ni Rose.  Sinabi din daw ng aktor na mayroon syang liver cirrhosis.

Matindi umano ang ipinagdadaanan ng aktor simula noong namatay ang kanyang ina ngayong taon at sa pagkakaroon nya ng problema sa kanyang pamilya.

Isa namang magandang balita ang natanggap ni John dahil kinontak siya ng programang Idol in Action, at sa tulong ni Raffu Tulfo binigyan siya ng malaking tulong pinansyal sa kanyang pagpapagamot, at sa mga pangangailangan nito.

Labis-labis ang pag iyak ng aktor sa sobrang pasasalamat sa tulong na natanggap nito.

The post Batikang Aktor na si John Regala Nakita sa Tabing Kalsada na Humihingi ng Tulong Dahil sa Kanyang Karamdaman appeared first on READit.

]]>
https://readph.com/batikang-aktor-na-si-john-regala-nakita-sa-tabing-kalsada-na-humihingi-ng-tulong-dahil-sa-kanyang-karamdaman/feed/ 0