Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /srv/users/readph/apps/readph/public/index.php:1) in /srv/users/readph/apps/readph/public/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
Kiray Celis Archives - READit https://readph.com/tag/kiray-celis/ read and learn to know more Wed, 24 Jun 2020 11:48:06 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.2 https://readph.com/wp-content/uploads/2018/08/cropped-readit-32x32.png Kiray Celis Archives - READit https://readph.com/tag/kiray-celis/ 32 32 Ibinunyag ni Kiray Celis ang Naging Masakit na Karanasan nito sa Dating Kasintahan https://readph.com/ibinunyag-ni-kiray-celis-na-ipinagpalit-siya-sa-iba-nang-kanyang-dating-kasintahan/ https://readph.com/ibinunyag-ni-kiray-celis-na-ipinagpalit-siya-sa-iba-nang-kanyang-dating-kasintahan/#respond Wed, 24 Jun 2020 11:11:34 +0000 https://readph.com/?p=9071 Ang dating Kapamilya at ngayon Kapuso aktres na Kiray Celis ay may ibinunyag patungkol sa kanyang nakaraang karanasan sa pag-ibig. Si Kiray ay nagsimula bilang child star at nanatili ng matagal sa programang Goin Bulilit at nang naglaon ay lumipat sa Kapuso network. Samantala balikan natin ang kanyang karanasan sa pag-ibig, Sa kanyang Instagram post […]

The post Ibinunyag ni Kiray Celis ang Naging Masakit na Karanasan nito sa Dating Kasintahan appeared first on READit.

]]>
Ang dating Kapamilya at ngayon Kapuso aktres na Kiray Celis ay may ibinunyag patungkol sa kanyang nakaraang karanasan sa pag-ibig. Si Kiray ay nagsimula bilang child star at nanatili ng matagal sa programang Goin Bulilit at nang naglaon ay lumipat sa Kapuso network.

Samantala balikan natin ang kanyang karanasan sa pag-ibig, Sa kanyang Instagram post inamin ni Kiray na siya ay ipinagpalit lamang ng kanyang dating kasintahan sa iba. Sa panahon ng kanyang pagkabigo nakilala niya ang kanyang kasalukuyan niyang kasintahan na si Stephan Estopia. At sa parte naman ng kanyang boyfriend ito ay paulit ulit na na rin na naloko ng mga nakarelasyon nito.

Narito ang buong nilalaman ng Instagram post ng dalaga;
“Nung nagkakilala kami, parehas kaming wasak. Ako pinagpalit. Siya niloko ng paulit ulit.

Nung panahon na yun, pare parehas na tingin ko sa mga lalaki. Lahat manloloko. Walang hindi. Pero nung nakilala kita, lahat yun nagbago. Hindi naman pala lahat pare pareho. Depende rin sa tao.

Siya naman ilang beses na nagbigay ng tiwala. Pero napunta lang sa wala. Dahil hindi na pagkakamali ang kasalanang paulit ulit na ginagawa. Ang tawag dun pananamantala. Wala kang awa sa taong walang ginawa kundi mahalin ka pero lagi mo lang binabalewala.

Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sakanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba.

Dun namin napatunayan na kahit gaano mo kamahal ang isa tao, may hangganan pala. Magsasawa karin pala. Mapupuno karin pala.. At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao, yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sayo.

Yung taong kagaya mo magmahal. Yung karapat dapat sa tiwala mo. Yung taong gagawin lahat, sumaya, ngumiti at tumawa ka lang ng totoo.

Hindi man siya ang gumawa, pero yang nadurog mong puso, bubuoin yan ng walang kahirap hirap ng taong kaparehong mong kayang ibigay lahat. Yung hindi ka gagawang pangalawa. Hindi yung mag-away lang kayo, may kausap ng iba.

At porket napunta ka sa maling tao. Hindi ibig sabihin nun, Maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. Lahat ng lungkot mo may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa. kasi nga nasa tamang tao ka na.

Kaya wag ka matakot magmahal ulit. Malay mo, SIYA NA TALAGA. At etong pagmamahalan namin ay nagbunga. HAHAHAHAHAHA! Buong mundo, pinapakilala namin sainyo si BIANCO CELIS ESTOPIA!!!”

Para bang ang kanilang pag-iibigan ay sinadya ng panahon na sila ay magkatagpo at mahalin ang isa’t isa. Makikita ngayon sa awra ng dalaga kung gaano ito kasaya sa kanyang kasalukuyang buhay pag-ibig.

Samantala kahit naman nasa quarantine ang ating bansa hindi naman pinabayaan ni Kiray ang kanyang katawan at lalo itong naging usap-usapan sa socialmedia dahil sa ganda ng pangangatawan nito. {source}

The post Ibinunyag ni Kiray Celis ang Naging Masakit na Karanasan nito sa Dating Kasintahan appeared first on READit.

]]>
https://readph.com/ibinunyag-ni-kiray-celis-na-ipinagpalit-siya-sa-iba-nang-kanyang-dating-kasintahan/feed/ 0