Warning: Cannot modify header information - headers already sent by (output started at /srv/users/readph/apps/readph/public/index.php:1) in /srv/users/readph/apps/readph/public/wp-includes/feed-rss2.php on line 8
Steve Dailisan Archives - READit https://readph.com/tag/steve-dailisan/ read and learn to know more Mon, 13 Jul 2020 17:31:17 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.3 https://readph.com/wp-content/uploads/2018/08/cropped-readit-32x32.png Steve Dailisan Archives - READit https://readph.com/tag/steve-dailisan/ 32 32 Dating Reporter at Piloto na si Steve Dailisan, Pumasok na rin sa Online Selling https://readph.com/dating-reporter-at-piloto-na-si-steve-dailisan-pumasok-na-rin-sa-online-selling/ https://readph.com/dating-reporter-at-piloto-na-si-steve-dailisan-pumasok-na-rin-sa-online-selling/#respond Mon, 13 Jul 2020 17:31:17 +0000 https://readph.com/?p=9247 Isang dating reporter at piloto, ngayon ay nagbebenta narin online ng frozen foods.Siya ay si Steve Dailisan, maaring kilala halos ng karamihan. Napagdesisyunan ni Steve na magbenta online habang naghihintay ng kaniyang susunod na assignment matapos mawalan ng trabaho sahni ng COVID-19. “Magbebenta na po ako ng laman!” pabirong wika nito sa kanyang social media […]

The post Dating Reporter at Piloto na si Steve Dailisan, Pumasok na rin sa Online Selling appeared first on READit.

]]>
Isang dating reporter at piloto, ngayon ay nagbebenta narin online ng frozen foods.Siya ay si Steve Dailisan, maaring kilala halos ng karamihan.

Napagdesisyunan ni Steve na magbenta online habang naghihintay ng kaniyang susunod na assignment matapos mawalan ng trabaho sahni ng COVID-19. “Magbebenta na po ako ng laman!” pabirong wika nito sa kanyang social media page.

Ayon sa kanyang post, “I’ll be rolling out TaSTeeve soon! Siyempre mas pinahaba natin ang SARAAAP para consistent! Ready to take your orders starting 01 July 2020.”

Ibinahagi ni Steve ang larawan ng kaniyang mga produkto tulad ng embutido, pork tocino at pork barbecue. Maliban sa mga produktong karne, magbebenta din siya ng mga food party trays.

“Menu will be out soon! Please follow our FB Page: TASTEeeve and IG: @tasteeeve to trans,” anunsiyo niya.

Sa interview niya sa PEP.ph, isinaysay ni Steve paano siya tinulungan ng kaibigan para makapagsimula ng online business. Pinili niyang bumenta ng pagkain dahil mahilig umano siyang magluto at tinuturing specialty ang mga pagkaing Pinoy. Isa din ito sa kaniyang mga paraan upang kumita lalo’t lalo na ang panahon ngayon ay walang kasiguraduhan.

Bilang pasasalamat, si Steve mismo ang maghahatid ng mga order sa unang 25 na mga customers sa Paranque, Las Pinas at Pasay.

Matatandaan na ang dating reporter ng GMA-7 ay naging tanyag sa kanyang sikat na signature sign-off  na “Steeeeeve Dailisan.” Nagpaalam si Steve sa Kapuso network noong 2018 upang tumarin ang pangarap niyang maging isang piloto.

“Mahirap man siyang pangarapin noon, hindi naman nangangahulugang hindi mo na siya puwedeng pagsikapang maabot ngayon,” sabi niya noon.

Nag-aral siya sa Leading Edge International Aviation Academy Inc. at pagkatapos ng isang taon ay nagtrabaho sa Cebu Pacific. Naranasan niyang magpalipad ng domestic at international flights bago pa man lumala ang pandemiya.

“After years of being ON AIR, who would’ve thought that now I am LITERALLY ON AIR,” masaya niyang sinabi noong una siyang makapagpalipad.

The post Dating Reporter at Piloto na si Steve Dailisan, Pumasok na rin sa Online Selling appeared first on READit.

]]>
https://readph.com/dating-reporter-at-piloto-na-si-steve-dailisan-pumasok-na-rin-sa-online-selling/feed/ 0