Bukod sa pagiging sikat na host sa programang It’s Showtime ng ABS CBN, aktor, at dancer, kilala ding sikat na endorser ng mga sapatos si Vhong Navarro.  Kung nakakapanuod ka ng It’s showtime ay malamang mapapansin mo ang kanyang iba’t-ibang suot na sapatos araw-araw.

Sa latest vlog nito, ipinakita ni Vhong ang napakaraming koleksyon ng mga sapatos. Hindi lang basta-basta sapatos dahil iyon ay mga mamahalin at yung iba ay limited-edition pa na mga pares.

Mayroon itong mga sapatos na mga nakapangalan sa mga characters ng cartoon na SpongeBob Squarepants. Nariyan ang kulay dilaw na sapatos na si SpongeBob, ang pink na si Patrick Star, at ang pula na si Mr. Krabs.

Naroon rin ang mga pares ng mga sapatos na may mga unique na disenyo galing sa mga brand na kanyang ini-endorse kayaga ng Toy Story, Disney, at Nintendo.

Paakyat sa kanyang second floor, bubungad ang isang napakalaking salamin na nagsisilbi ring pintuan. Mayroong hagdanan kung saan naging storage narin ng kanyang mga sapatos. Pinasadya umano ito ni Vhong na nirequest sa kanyang architect upang magamit ng maayos ang mga espasyo ng bahay.

Pagpasok naman sa second floor ng kanyang walk-in closet, nandoon ang mas marami pang mga sapatos na may iba’t-ibang kulay, disenyo at brands. Parang nasa loob ka lang ng isang shoe shop, o nasa department store shoe section sa sobrang dami nito.

May mga unique din na mga pares ng sapatos na pinagawa talaga ng aktor kagaya ng mga Nike, at Vans na sapatos na may mga diensyo ng kanyang mga paboritong caharacters sa movies pati narin mismo ng mga characters sa kanyang sariling mga pelikula kagaya ng Gagamboy, Mr. Suave, at Agent X44. Ilang naman sa kanyang luxury brands na mga sapatos ay ang Christian Dior, Alexander Wang, at Louis Vuitton.

Hindi lamang mga sapatos ang nakagiliwan na ikolekta ng aktor kundi pati narin ang samut saring mga damit para sa iba’t-ibang okasyon. Nariyan ang mga casual na damit, mga tshirts, polo, mga jackets na mamahalin. Ayon sa aktor, lahat ng gamit na kailangan nito ay naroon na sa kanyang walk-in closet.

Sabi pa nito, ang pag susuot ng damit ay nasa “mood”ng isang tao. Kaya’t maaring malaman mo ang mood ni Vhong Navarro base sa kanyang suot.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here