Marami ang napabilib sa aktor na si Ejay Falcon sa mga tinahak nito sa buhay, alam naman ng iilan na galing ito sa mahirap na pamumuhay hanggang nagsumikap na maging artista at ngayon ay tumatayong Bise Gobenardor ng Oriental Mindoro.

Nakaagaw atensyon ang pagluha ng kanyang amain na si Ernesto “Erning” Falcon nang magbigay pugay ang aktor sa kanyang tinuring na ama. Naglahad ng kaunting maramdaming kwento ang binata sa kanyang panunumpa bilang pangalawang Gobernor ng kanilang lalawigan. Nang ilahad ni Ejay ang pinagdaanan niya noong panahon na gusto niyang sumali sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus kunsaan tinanghal siyang Big Winner noong 2008.

Kwento ng aktor-politiko;
“Isang pakiusap niya noong mga panahon na iyon na ayaw niya ako pumasok sa PBB dahil hindi niya alam ang PBB. “Wala pang kuryento noon nung umalis ako. Walang kalsada. Wala pang signal ng cellphone. “Kinausap ko siya mabuti. Sabi ko, papasok ako sa PBB pero ang kondisyon nito kasama ka. “Hindi po siya pumayag. Ayaw niya talaga.”

Dagdag pa nito sa kanyang pag-babalik-tanaw, “Ilang linggong pakiusapan iyon hanggang napilit ko siya. “Nung nakapasok siya sa PBB, mabait ang Diyos. Hindi lang ako ang pinanalo niya, big winner din siya. “Maraming-maraming salamat po sa suporta niyo sa akin, sa pagpapalaki sa akin nang maayos, sa aking nanay at tatay.”

Habang binibigkas ni Ejay ang kanyang talumpati, kitang kita naman ang kanyang ama na napaluha sa habang pinapanood ang kanyang anak. Aminado naman si Mang Ernesto na hindi siya payag noon sa pagpasok ng aktor sa PBB ngunit kalaunan naging proud ito kay Ejay.

Kwento pa ng aktor sa kanyang talumpati hindi niya akalain na ang pagpasok sa mundo ng pag-aartista ang magiging daan upang maglingkod siya sa bayan.

“Alam ko na pagpasok ko sa pulitika ay isang malaking desisyon, isang pagpapaalam na nung una talaga ay di ako pinayagan dahil alam nila na magiging magulo ang buhay pulitika. “Pero sana ngayon ay maging proud kayo na nakatayo ako dito sa harapan, nakatayo at magsisilbi sa ating lalawigan.”

Tunay nga naging inspirasyon ang batang probinsyano na noon ay nangangarap lamang mapabilang sa bahay ni kuya o sa programang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Ngunit ngayon malayo na ang narating ng aktor sa kanyang karera sa buhay bilang artista at ngayon maninilbihan sa bayan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here