Nakakatuwang isipin na marami sa ating Pilipino ay likas na ang pagtulong sa kapwa. Lalo na ngayon panahon na ito kinakailangan nating magkapit bisig at maging matulungin sa kapwa. Hindi naman ito sapilitan ngunit ayon lamang ito sa iyong makakaya at maibibigay sa kapwa.

Isa nga dito ang binatang si Jarred Gaviola na isang iskolar ng bayan, at ayon sa kanya “Para po sa akin, ang edad at estado sa buhay ay hindi po dahilan para di makatulong sa kapwa.”

Sa murang edad ganyan ang kanyang pananaw sa buhay, na talaga naman kinabiliban ng kanyang mga kalugar kung saan namimigay siya ng ayuda o tulong mula sa kanyang allowance na nakukuha sa ating gobyerno bilang iskolar.

Sa edad na 15-anyos ni Jarred Gaviola tiyak na malayo ang mararating ng batang ito, siya ay incoming grade pa lamang mula sa Tunasan Muntilupa City. Ang kanyang mga nakukuhang allowance ay binabalik niya sa kanyang mga kalugar lalo na sa mga talaga kinakailangan ng tulong.

Kaya naman agad din nag trending ang binata sa ginawa nitong kabutihan sa kapwa at para magbigay pa ng inspirasyon sa ibang katulad niya. Halos umabot ng 200 pamilya din ang kanyang naabutan ng tulong kaya naman marami sa ating kababayan ang nagpa-abot din ng donasyon para na rin makadagdag tulong sa kapwa.

Samantala narito ang lahat ng binata;

“Para po sa akin, ang edad at estado sa buhay ay hindi po dahilan para di makatulong sa kapwa.”

“It started from my own scholarship allowance.”

“Because for me, there are many people who are hungry and needing food. They need more care as time goes by.”

“I used my scholarship allowance given by the local government to buy these milk packs and coffee sachets.”

“And after that i have decided to open my own donation drive so that I can help more people”

“I am a proud scholar of Muntinlupa”

Makikitang bukal sa kalooban niya ang makatulong sa kapwa. Sana’ marami pa ang mainspire sa ginawang kabutihan ni Jarred.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here