Sa pamilya kailangan may tungkulin dapat gampanan ang kada miyembro nito, upang maging maayos ang samahan at magkaroon matiwasay na pamumuhay. Ngunit kung wala man ang isa sa miyembro nito tiyak na mahihirapan ang bawat isa. Halimbawa ng isang ama na siyang magtataguyod ng pamilya o tumatayong haligi ng pamilya. Ang isang ina naman na siyang nagsisilbing ilaw ng tahanan at siyang nangangalaga sa mga supling.

Ngunit kung ang ina ay nawala sa isang pamilya o ang isa man dito, mahirap magtaguyod lalo na kung maliliit pa ang mga supling. Katulad na lamang ng isang ama nabiyudo at naiwanan sa kanya ang tatlong sanggol na anak matapos pumanaw ang ina ng mga ito. Napahirap ng sinapit ni Joel ama ng triplets na sina Baby Jia Aamari, Jay Aliyah at Jaswhi Adaliah. Matapos maipanganak ni April asawa ni Joel kinabukasan ay agad na pumanaw ang ina ng nasabing triplets.

Tila naging dagok sa isang ama ang pangyayaring ito, ang mawalan nga lang mahal sa buhay ay napakasakit na sa ating kalooban ito pa kayang sinapit ng isang ama at maiwanan pa sa kanya ang tatlong anghel. Ganun pa man ang pangyayari ito ay hindi naging hadlang kay Joel upang pagsikapan na maitaguyod ang tatlong anghel na naiwan sa kanya.

Alam naman natin na ang mga kakasilang na sanggol ay nangangailangan ng sustansya higit sa lahat ang gatas na manggagaling sa ina ng mga ito. Dahil nga sa hindi magandang pangyayari na sinapit ni Joel at pamilya nito, gumawa ang ama ng paraan upang kahit papaano makalikom ng gatas na siyang magiging pagkain ng mga anghel.

Katuwang ni Joel ang kanyang biyenan at hipag sa pag-aasikaso ng triplets, naisipan ni Joel na ibahagi sa social media ang kanyang hinanaing para kahit papaano may makapansin at mabigyan siya ng tulong ng mga ito. Sa kabutihan palad marami sa mga kababayan natin ang nagpaunlak o nagpahatid ng tulong na siyang ginagamit ni Joel sa ngayon para sa kanyang mga munting anghel.

Narito ang post na ibinahagi ni Joel sa socmed; GONE TOO SOON

“Malaki po ‘yun sakripisyo ng asawa ko. Minahal at inaalagan po mabuti ng asawa ko ang mga anak ko no’n nasa t’yan pa lang sila.

“Kaya bilang tatay na lang nila, kahit mahirap, pipilitin kung kayanin at maging matatag sa kabila ng lahat. Katuwang ko po sa pag-aalaga ang aking biyenan at kapatid ng aking asawa.

“Mahirap po ang bigat sa pakiramdam, especially po no’n unang pagkakataon na babalik na ‘ko sa trabaho. Hindi ko talaga mapigilan lumuha habang nagda-drive paalis.

“‘Yun pakiramdam na gusto mo lang na lagi sila kasama kasi sila ‘yun dahilan kaya nakukuha ko pa ngumiti. ‘Yun mabuhat ko sila at mahalikan, gumagaan pakiramdam ko pero kaylangan umalis at magtrabaho para sa kanila.”

Sa darating na fathers day mag-isang itataguyod ni Joel kasama ang kanyang triplets nang wala ang ina ng mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here