Kahit man ano ang maging estado sa buhay basta pagsumikapan lamang ito ay may maibubunga maganda ito. Tulad ng isang anak ng magsasaka na maswerteng napasama sa full paid scholarship sa Amerika. Si Aldrean Paul Alogon dahil sa angking talino at husay bilang mag-aaral ay isa sa 11 exceptionally able student na all in paid scholarship sa US.

Iba’t ibang lahi ang kasama ni Aldrean sa nasabing scholarship ang ilan sa mga bansang makakasama niya ay mula sa Hong Kong, Indonesia, China, Japan, Malaysia, Taiwan, Singapore, Vietnam, Thailand at South Korea.

Si Aldrean ay ulila na sa ina at ang kanyang ama ay isang magsasaka mula sa Iloilo at nakapagtapos sa paaralan ng Philippine Science High School-Western Visayas Campus. Sa nasabing paaralan ay kilala na rin sa mga magagaling na estudyante.

Lahat ng nakakamit ni Aldrean ay dahil sa pagiging inspirasyon na nakuha niya sa kanyang inang namayapa. Noong taong 2015 ang kanyang ina ay sumakabilang buhay dahil sa sakit. Ayon kay Aldrean “When she p@ssed away, I had to be independent at saka very open minded. My mother was loving of her siblings, sa anim sa kanila siya yung professional. Nakuha ko po yung mindset ng nanay ko na kailangan kong maging selfless kasi napaka rami na pong ibinigay sa akin ang Diyos. Biniyayaan ako ng marami.

Iniisip ko po lahat ng nangyari sa akin hindi lang blessings sa akin kundi para ma bless din po yung iba.

“I’m there to learn and I’m there to acquire knowledge to comeback here.. I’m thinking of being a civic engagement person or a person in the sciences na ang focus talaga is the grassroots.”

Deserving naman ang ating kababayan sa kanyang nakamit na oportunidad at isa rin itong karangalan para sa ating mga Filipino. Maging inspirasyon sana ang nakamit ng ating kababayan sa kapwa natin Filipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here