Sa panahon ngayon na sobrang hirap ng buhay marami sa ating mga kabataan ay namumulat na magbanat ng buto sa murang edad. Kadalasan hindi na nakakaranas ang mga tulad nila na maglaro dahil na rin sa pagtulong sa kanilang mga magulang.

Katulad ng naranasan ni Janelle Sabilala isang walong taon gulang na bata na tumutulong sa kanyang magulang upang maglako ng pagkain sa mga turista. Araw-araw naglalakad ito ng humigit kumulang tatlong kilometro para lamang makarating sa lugar ng Rizal na tinaguriang little baguio kung saan siya bitbit ang pagkain na niluto pa ng kanyang lola, at nasabing lugar niya ito itinitinda.

Sa kabutihang palad may mga grupong nakausap ang bata at binigyan ito ng tulong na magagamit nito sa kanyang pagpunta punta sa lugar na kanyang pinagtitindahan. Ayon sa grupo saktong nagpapahinga ang mga ito ng lapitan ng isang bibong bata na nagtitinda ng lumpiang toge. At dito nagsimula ang pakikipag-usap nila kay Janelle.

Ayon sa bata sa pakikipagpanayam ng firstbike group;

“Nagtitinda po ako pambili ng bigas namin, gusto ko na nagti-tinda kasi para rin sa amin ito. Kay lola po napupunta ‘yung kinikita ko. Okay lang na walang napupunta sa akin kasi doon naman kami nakatira.”

Dagdag pa nito “Yung dati kong bike ay sira-sira kaya binenta dati. Sira po ‘yun kasi wala na ‘yung bearings. Binenta kasi pambili ng gamot ko noong nagkasakit ako,” she recalled. “Nagkaroon ako ng lagnat at ubo. Six years old pa lang ako noon.”

Bisekleta ang regalong handog ng grupo kay Janelle bukod sa nais ng bata na magkaroon nito, mas makakatulong ito sa kanyang pagtitinda at magagamit pa nito sa kanyang paglalaro. Laking tuwa ni Janelle ng matanggap ang regalo mula sa grupong firstbike. Tiyak na magagamit niya ito ng husto para mas mapadali ang kanyang pagtitinda.

Tunay nga na marami pa rin sa atin ang may mabubuting puso at handang tumulong sa kapwa tulad na lamang ng grupong nagbigay handog sa munting bata, na sa murang edad danas na ang kahirapan ng buhay at patuloy na lumalaban ng may positibong pananaw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here