Ang tuko o gecko sa wikang ingles ay mahahalintulad sa lahi ng mga butiki ngunit kadalasan ang mga tuko ay naninirahan sa hindi mataong lugar o madalas pa ang mga ito sa bukid. Ngunit ang makakita ng ganitong kahiganteng tuko na may sukat na halos 24 sentemetro lalo na malapit sa kabihasnan ay talagang nakakabigla.

Alam naman natin na ang tuko ay pinagkakakitaan ng ilan at sinasabing milyones ang halaga nito. Napabalita nga nagkakaubusa ng tuko sa ating bansa dahil na rin ginagawa itong gamot sa ilang karamdaman. Kaya naman ang ilan nating kababayan ay sige ang paghuli nito kahit na labag ito sa batas.

Ang nasabing tuko ay natagpuan sa bubungan ng isang abandunadong bahay namataan ito ng masilayan ng isang kapit bahay kung saan agad naman nila itong hinuli. Marahil sa tagal na ang bahay ay bakante napag-isipan na itong pamugaran ng tuko.

At maaring nabulabog lamang ito ng may maramdamang tao sa paligid nito kaya naman napalabas at nasulyapan ng mamayan na agad naman kumuha dito. Sadyang kahit sino kung lalo na kung hindi sanay makakita ng tuko na kagihanteng tulad nito ay talaga naman mabibigla.

Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizens sa pagkakahuli nitong tuko, may ilan naawa at may ilang nangamba.

Panoorin ang video mula sa tiktok ng isang netizens na nai-upload nito sa Youtube;

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here