Mahirap man ang buhay may ilan pa rin tayong kababayan na patuloy na lumalaban para magkaroon ng magandang buhay at matupad ang pangarap na mag-aahon sa kahirapang kanilang dinadanas.

Isa si Joanna Rose Griño dating kasambahay ang dumanas ng hirap sa buhay ngunit patuloy na nagsikap upang maging isang ganap na pharmacist. Si Joanna ay tatlong taong namasukan bilang katulong habang nag-aaral sa kursong BS Pharmacy sa Our Lady Of Fatima University-Valenzuela at pumasa sa Pharmacy Licensure Exam.

Laking Sorsogon ang dalaga at kwento niya anim silang magkakatid sa kanilang probinsya na talaga naman napakahirap ng buhay. Bata pa lamang siya ay nagsisikap na siya nang sa ganun matulungan niya ang kanyang pamilya. Namasukan siya bilang kasambahay sa Bulacan habang nasa kolehiyo.

Hirap man ang naranasan naging sandigan at inspirasyon ang kanyang pamilya, dagdag pa niya ang kanyang kinikita ay kanyang tinatabi upang maging pambayad matrikula. Laking pasasalamat din niya sa kanyang ate na siyang sumusuporta at tumutulong sa kanyang pag-aaral. At bilang pagbabalik tulong, nais din niyang tulungan sa pag-aaral ang kanyang mga nakakabatang kapatid.

Narito ang post ni Joanna na talaga naman hinangaan ng mga netizens sa socialmedia;
Mama/Papa Pharmacist na po ako😭🙏
Thank you Lord♥️ MERRY na ang Christmas 🎄
-virtual graduation [November 16, 2021]
-board examination [November 25 & 26 2021]
Andaming pagsubok na dumaan pero Hindi ako nagpatalo, hindi rin ako umiyak (ngayon Lang) kako wala mapupuntahan kung magmomokmok at iiyak Lang ako sa isang tabi. Kinain ang pride, daming sinakripisyo. From PSEM hanggang board exam grabe ung pinagdaanan ko mapa-financial MN o Hindi nandyan plagi ang mga kapatid ko at magulang ko.

Sa araw ng exam masama ang pakiramdam ko, at si mama na nasa hospital noon, Kako Lord para sa ikakaunlad ng pamilya..Please ang tagal Kong hinintay to👆🥺
Tapos charan nkita ko ung name ko…umiyak nku.. Sobrang unexpected ng result 😭🙏 diko inexpect nmasyado n papasa ako ksi may dalawang modules n diko sure mga sagot ko. Grabe si Lord! Nagbunga na lahat ng dinadaing ko Kay Lord.

Ate, Bob, kuya, Papa/Mama maraming Salamat sa lahat.. Sa lahat ng tumulong sakin diko na po kau maisa-isa, at sa Bulacan na tinanggap ako para maipagpatuloy ko ung huling SEM ko sa college, at sa friends ko na andyan palagi hanggang boards nagchecheer up at sinasama ko sa mga prayers niyo thank you ang babait nyo lahat! God bless!

Isa si Joanna sa patunay, basta may pangarap may hinaharap samahan lamang ito ng gawa at dasal upang makamit ito sa tamang panahon.

{via}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here