Kalaboso ang inabot ng isang dating miyembro ng sikat na s3xy group ng Baywalk Bodies na Kat De Santos o Katherine Santos sa totoong buhay. Sumikat ang nasabing grupo noon kung saan naging kontrobersyal ang grupo matapos magpas3xy sa lugar Pasay na tinaguriang Baywalk. Kaya naman kalaunan ang kanilang grupo ay nabansagang Baywalk Bodies na siyang ginamit ng mga ito.

Humataw ang grupo sa telebisyon at iba’t ibang pelikula ngunit kalaunan ay nabuwag din at nagkaroon ng sari-sariling buhay ang mga miyembro nito. Si Kat ay nahuli sa ginawang buy bust operation sa Laloma Quezon City, kasama sa naaresto ang kanyang live in partner at dalawang iba pang kasama nito.

Mangiyak-ngiyak ang former starlet sa pnayam sa kanya ng kapuso reporter at aminado itong tungkol sa ipinagbabawal na gamot ang pagkakadakip sa kanya. Matatandaang hindi lamang ito ang unang beses na nahuli ang aktres, ayon sa pulisya apat na beses na ito nahuhuli sa iba’t batang kaso na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon pa sa awtoridad hindi tumitigil ang dating aktres sa kanyang gawain kaya naman isa sa madalas maging laman ng kanilang imbestigasyon. Si Kat De Santos ay kasama ng malaking grupo na nag-papalakad ng ipinagbabawal na gamot sa ating bansa. Sa ngayon kalaboso muli ang dating starlet actress.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here