Laking tuwa ng isang ginang matapos itong kumasa sa hamon ng kanyang asawa na siya ay magpapayat, Mula sa timbang na 72Kg noong Mayo 2021 ay naging 55Kg na lamang ito nitong buwan ng Oktubre 2021.

Matapos mapagtagumpayan ang hamon ng kanyang kabiyak masaya nitong nakamit ang kalakip na pabuya na tumataginting na limampong libong piso. Bagama’t walang mapagsidlan ang tuwa ni Cris Cringol, dahil sa matinding kagalakan hindi nito maiwasan na maipost sa kanyang social media account ang labis na tuwa na agad naman nakaagaw pansin at naging trending. Ayon sa kanyang post:

“Hinamon. NagDiet and Exercise. Ni-sexy😜. Naka 50k.🥳🎉
May 2021: 72 kilograms
October 2021: 55 kilograms 💁🏻‍♀️
Ayaw jud ko i-challenge2 dad kay maghilak jud ka lol. Salamat ani daddy Liandree Brian Go. May pan shopping na for cally and lian.😉Lab u po!”

Kaya naman marami din netizens ang humanga sa ginang lalo na sa kanyang mister sa pagbibigay nito ng malaking halaga na magagamit daw sa kanyang pamimili. Hindi rin naman biro ang challenge na ito, kaakibat nito ang matinding disiplina lalo na sa mga kinakain na pagkain.

Sa ngayon ang nasabing post ni Cris Cringol ay mayroon ng 64K shares at mahigit na bente libong komento mula sa mga netizens. Halina ating tingnan ang ilan sa mga komento ng netizens.

“sang di ko makakalimutan yung challenge mo! Pakiready na bibigay mo! Wahahaha” – Maria Anna

“wala bakong reward pumayat nako ah ma HAHAHAHAHAHA” – Marinel Cruz

Halos ang mga komento ay patungkol sa paghihikayat sa iba, at mga challenge na kanilang napagtagumpayan ngunit walang natanggap na pabuya..

{source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here