Marami ang humanga sa isang guro matapos nitong boluntaryong alagaan ang anak na sanggol ng kanyang estudyante. Sa larawang ipinost ni Teacher Clariz Jane Lasala makikitang karga nito ang isang batang saggol habang ang ina nito na kanyang mag-aaral ay abala sa pag-eexam.

Ayon kay teacher Clariz kusa siyang nag-alok na siya na lang ang mag-aalaga sa sanggol, sa kadalihanan na ang ina nito ay nagpaalam na hindi makakakuha ng exam dahil wala umanong magbabantay o mag-aalaga sa kanyang anak. At dahil sa dedikasyon ng kanyang mag-aaral kaya naman boluntaryo na itong nag-aalok ng tulong.

Pansamantala namana lamang ito para maipakita din ni teacher ang suporta niya sa kanyang estudyante na nasa grade 12 pa lamang. Agad naman nag trending sa socmed ang ginawang pagmamalasakit ng guro sa kanyang estudyante.

Hindi lahat tao ay kayang gawin ito, malaking sakripisyong maituturing para sa isang guro ang gawin ang bagay na ito kahit na panandalian lamang. Kaya naman lubos din ang paghanga ng mga netizens sa ginawa ni teacher Clariz.

Marahil ramdam niya ang buong pusong pag-sisikap sa pag-aaral ng kanyang estudyante. Umani ng samu’t saring papuri at positibong komento si tacher Clariz. Narito ang komento ng ilang netizens na labis ang paghanga sa ginawa ng guro mula Butuan City.

Sana lahat ng teacher ganito…
Hnd yung porket nadapa ang students mo ay lalo mo pang ingungudngod sa pagdurusa dahil lang sa nagkaanak sya ng maaga….
Naalala ko tuloy ung cmate ko noong high school. – Aries
Mga understanding na guro naalala ko nanganak ako 1 bwan ako hindi nkapasok graduating nadin ako pero salamat sa mga teacher ko college hindi nila ako binagsak nkagraduate pdin ako kahit kakapanganak ko lng special exam nila ako. – Melinda
Sana nga po lahat ng guro ay katulad po ninyo n sobra ang malasakit s kanyang mga istudyante at may pagpapahalaga s edukasyon ng kanyang mga istudyante. Saludo po aq senio..isa po kayong dakilang guro!! – Lhen
Para sa kaalaman ng lahat naganap ang tagpong ito bago pa man ang pandemya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here