Alam naman nating lahat na matagal tagal din nanatili sa loob ng tahanan ang ilan nating mga kababayan lalo na ang mga kabataan na talaga namang apektado ng dinaranas nating pandemya.

imahe mula kay Roselle Del Rosario Mananggit | fb

Ngunit kahit ganun may isang guro na nagpasaya at nagbigay muli ng ngiti sa ating mga kabataan lalo na kanyang mga estudyante, halos dalawang pasko ang dumaan ng hindi nila maramdaman. Kaya naman ang butihing guro na si Mam Roselle Del Rosario Mananggit ay nagsilbing isang Santa Claus para naman makapaghatid ng munting handog para sa kanyang mga mag-aaral.

imahe mula kay Roselle Del Rosario Mananggit | fb

Tinaguriang Mam Santa na siya mismo ang pumunta sa kanyang mag-aaral para maihatid ang pambansang pagkain ng mga bata ang Jollibee at kalakip nito ang ilang mga laruan. Agad na nagtrending ang magandang gawain na ito ni Mam Roselle Del Rosario Mananggit. Ayon sa kanyang post sa kanyang social media account;

“Masaya akong makita na masaya ka”
Maraming salamat po sa lahat ng nagbigay ng tulong para maulit muli ang pag-ikot ni ma’am Santa Claus Di ko na po iisa isahin, alam nyo na kung sino kayo..
Sinadya ko pong iprint ang maganda kong mukha ay malapad pala..hehehe Kasi nagtatanong dw ang anak nila kung sino dw mam nila.. super happy ang mga bata, Yun Lang di ko alam kung sakin o kay Santa Claus.

imahe mula kay Roselle Del Rosario Mananggit | fb

Bumuhos ang papuri mula sa mga netizens sa ginawang ito ni Mam Santa na siyang naging inspirasyon sa karamihan, bukod sa kagalakan na dulot nito sa kanyang mag-aaral siya rin mismo ay masayang masaya ang puso na makita ang ngiti ng bawat batang maabutan niya ng regalo lalo na ngayon panahon ng pagbibigayan.

imahe mula kay Roselle Del Rosario Mananggit | fb
imahe mula kay Roselle Del Rosario Mananggit | fb

Sa halos mahabang panahon na ating pananatili sa ating mga tahanan upang maging ligtas ang bawat isa. Nakakatuwang isipin na may katulad ni Mam Santa na magbibigay kasiyahan hindi man para lahat bagkus sa iilan. Sana magsilbing inspirasyon ito sa lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here