Sa panahon ngayon bihira siguro ang teacher na tulad nito, para sa kapakanan ng kanyang estudyante na makapag-aral ng maayos at maka-attend sa kanyang klase. Minabuti ni teacher na isama sa paaralan ang anak ng kanyang estudyante at siya na mismo ang mag-aalaga dito.

Sa panahon ngayon ilan sa ating mga kabataan ay may ganitong sitwasyon sa buhay, maagang nagkakaroon ng resposibilidad sa buhay o di kaya nakakapag-asawa ng maaga kaya naman hindi na nakakapag-aral. Ngunit sadyang may ilan na kahit naging ganun man ang sitwasyon sa buhay ay pinili pa ring maisakatuparan ang kanilang pangarap sa buhay.

Tulad nga senaryo sa paaralang ito kung saan mismo ang guro ang nagpursige sa kanyang estudyante na dalhin ang anak nito at siya na bahala mag-alaga dito para makapag-aral ng ayos ang estudyanteng ina. Sambit pa teacher “Dalhin mo nalang si baby dito sa school tuwing papasok ka at ako ang mag aalaga, para makafocus ka sa pag aaral mo”

Bakas naman sa mukha ng sanggol at teacher ang kasiyahan, tila nagustuhan din ng batang musmos ang pag-aalaga sa kanya ni teacher.

Kaya naman marami ang humanga sa guro dahil sa kanyang pagmamagandang loob sa mag-aaral nito. Samu’t saring reaksyon din at papuri para sa tulad niyang guro ang puna ng mga netizens.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here