Kung may pangarap ka samahan mo ito ng dasal at gawa, tiyak balang araw makakamtan ang bagay na pinapangarap mo. Tila walang imposible basta pagsumikapan mo lamang. Sa panahon ngayon hindi lamang sipag ang kailangan mo kung hindi dapat may diskarte at syempre huwag makakalimot sa ating Diyos.

Ganito ang naging kapaglaran ni Rachel Lucanas na binansagang ukay queen dahil sa kanyang matagumapay na negosyong ukay-ukay. Sa negosyong ito lang naman niya nakamit ang kanyang mga pangarap, nakabili ng sasakyan nakapagpatayo ng bahay at ilang karagdagang negosyo. Si Rachel ay nakapagpatapos ng kolehiyo ngunit mas pinili niya ang landas na kanyang tinatahak ngayon.

Marami ang pumuna sa kanyang napiling landas ng pagnenegosyo, karamihan ay nagsasabing tapos naman siya ng kolehiyo pero bakit nito pinili ang ganitong kabuhayan. Halina’t basahin ang buong kwento at sekreto ni Rachel kung bakit siya binansagang ukay queen.

Ukay ukay Queen, pangarap ang kanyang puhunan na sinamahan ng tyaga at sipag para makamit ang tagumpay.
Si Rachel ay nagsimula sa pa isa isang bulto ng ukay ukay ngayun ay matagumpay na sa larangan nmg Ukay ukay business at marami na din naipundar na mga kagamitan kasama na ang dagdag na negosyong food park, pagpapa ayos ng kanyang bahay at nakabili na din ng sariling lupa.

Nagsimula ako noon sa 1 bale (bulto) ng ukay hanggang sa dumami. Pinag aralan ko mabuti ang mga brand and code sa ukay (Sobrang dami nyan, talagang sasakit ang ulo ng isang newbie) Dahil masaya ako sa ginagawa ko at meron ako napaka supportive na pamilya naging maganda takbo ng pag uukay namin.

Kinailangan namin magkaron ng additional space para sa mga bulto. Originally ang plan, magpapagawa kami ng mini bodega para sa ukayan na may 4 na poste lang gamit ang tubo. Then naisip ko palagyan na ng concrete na poste at pader para pwede ko palagyan ng kwarto ng anak ko yung itaas.

Pag nangarap ka, sabayan mo ng pagsisikap, tyaga at diskarte samahan mo pa ng dasal para matupad mo. Madali lang mangarap pero hindi ganun kadali ang tuparin ito. Wag basta susuko, dadaan ka talaga sa hirap lalo na pag nagsisimula ka pa lang. Labaaan lang 💪
Malay mo, paggising mo nasa harapan mo na ang pangarap mo tulad ko ✨
Sila: College graduate ka nman, bakit mas pinili mo magtinda ng ukay?
Me: Why not?

✨Kung may pangarap ka, wag mong intindihin ang sasabihin ng iba. Dahil ikaw ang tutupad sa pangarap mo hindi sila ✨
Masasabi ko na sa mabilis na panahon, mabilis ko napalaki ang ukayan. Pero hindi ko malilimutan kung paano ako nagsimula. Hindi ako magaling nung una, pinag aralan ko lang at nilagyan ng puso. Walang nagsimula na magaling agad. Alam ko yung hirap, pinagdaanan ko lahat yan.
Pero hindi ako sumuko at naniwala ako na isang araw magbubunga rin lahat ng pagod at puyat ko/namin ✨

Mabilis sa akin ibinigay ang mga pangarap ko. Pero hindi ibig sabihin na ganun rin sayo. Kanya kanya tayo ng kwento, kanya kanya ng timing.
Eto ang mas detalyadong kwento ng ukay journey ko ❤️
Kung pinapanghinaan ka na ng loob. Silip ka muna dito 👌

Marami sa ating mga Filipino ay nakadepende sa kung ano ang natapos mong kurso sa kolehiyo ay dapat mas maganda ang trabaho mo. ngunit iba-iba ang tao ng mundong tinatahak kung saan sila magiging mas komportable at maginhawa ang buhay. Ito ang ginawa ni Rachel at ngayon hinahangaan ng karamihan sa kanyang determinasyon at diskarte sa buhay.

📷 Rachel Lucañas / FB

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here