Mahigit dalawang buwan na mula nang ipinag-utos ng gobyerno ang quarantine ng komunidad. Maraming tao ang nawalan kanilang mga mahal sa buhay dahil sa virus na covid19. Maraming tao ang hindi nakakauwi sa kanilang mga pamilya dahil stranded sila sa ibang lugar. Maraming mga tao ang nawalan ng trabaho, kung saan ito lamang ang tanging pinagkukunan nila para sa kanilang pangangailangan. Maraming  tao, lalo na ang mga doktor, nurse, pulis, at iba pang mga frontliner na naghihirap dahil hindi nila makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Facebook / Juan Dela Cruz

Sa gitna ng isyu ng pandemya ng bansa, mayroon pa ring mga taong nagsisikap sa buhay at ginagawa ang makakaya para mabuhay.  Tulad ni tatay na namataan na nagbebenta pa rin ng ice cream sa isang lansangan, sa edad na 69 taong gulang. Sinabi ni Benjamin Gonzalez o Tatay Ben na wala siyang pagpipilian kundi magtinda kahit na ang Maynila ay nasa ilalim ng pinaigting na ECQ.

Facebook / Juan Dela Cruz

Sinabi rin niya na ito lamang tanging paraan ng upang magkaroon ng pagkain ang kanyang pamilya sa araw-arawa. Si Tatay Ben ay isang trabahador bago siya naging ice cream vendor. Ngunit dahil hindi siya palaging nakakapasok sa kanilang trabaho dahil nga kapos sa pinansyal, natanggal siya dito at kalaunan heto na nga kanyang naging hanap buhay.

Facebook / Juan Dela Cruz

Lumuwas siya ng Maynila sa pag-aakalang magkakaroon siya ng mas maayos na trabaho. Isang netizen ang nag-post sa kanyang Facebook account, isang larawan ng isang sobrang pagod na matanda. Sambit ni Juan Dela Crus sa kanyang post sa Facebook:

“Kaya maiisip mo na lang din kiung gaanong kainit at tirik ang araw na yan sa kanya. Di pa nga e pasan-pasan nya yung ice cream, malamang hindi na kinaya ng katawan nya kaya gumawa na sya ng may gulong para kahit papano ay dumali ang pagtitinda nya.”

Facebook / Juan Dela Cruz

Sa ngayon ay humihingi ng tulong si Tatay Ben upang mahanap ang kanyang mga kapatid, sina Carolina, Rogelio, at Armando.

” Ayaw pumasok ni Tatay Ben sa bahay ampunan. Ang kanyang munting kahilingan ay makita na lamang ang kanyang mga kapatid. Kung si Tatay Ben po ay pagpapalain sa tulong nyo po at mahanap natin ang kanyang mga kapatid, kami mismo ang maghahatid sa kanya papunta doon,” idinagdag niya sa kanyang post.

Facebook / Juan Dela Cruz

Ang nais lamang ni Tatay Ben ay ang maghanap at umuwi sa kanyang mga kapatid. Dalangin ko na makukuha niya ang tulong na kailangan niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here