Usapang AYUDA, Kaliwa’t kanan ngayon ang reklamo sa pamamahagi ng tulong pinansyal mula sa ating gobyerno. Reklamo ng ilan nating kababayan hindi man sila nabigyan ng AYUDA kahit na nabibilang sila sa mga poorest of the poor. Ang ilan naman ay panay anomalya sa pamamahagi ng AYUDA kaya hindi maiiwasan ang kaguluhan sa ilang piling lugar.

At dahil nga buong mundo ay dumaranas ng pandaigdigang pandemya marami sa ating kababayan ang nawalan ng hanap-buhay at umaasa na lamang sa tulong na maibibigay ng ating gobyerno o mga kababayan na may mabuting kalooban.

photo via dswd fo 3 | facebook

Sa kabilang banda may ilan din naman tayong kababayan naghahatid inpirasyon sa karamihan. Ilan sa mga kababayan din natin na tumanggap ng AYUDA ay ibinabalik para ibigay sa mga kababayan nating mas nangangailan.

Kaya naman kinabiliban ang isang guro na may kanser na si Angelica Ruiz, ang 6,500 pesos na ayudang natanggap nito buhat sa DSWD na ipinamahagi ng LGU sa kanilang Barangay (Barangay Pinagrealan) Candelaria, Zambales ay hindi niya tinanggap. Ayon kay Mam Angelica kahit na siya ay may karamdaman ay regular naman ang kanyang sahod, para makakatulong sa iba pang mas nangangailan ang tulong pinansyal na kanyang matatanggap.

Sa kabutihang ito ni Ma’am Angelica lubos siyang hinangaan ng mga netizens, sa panahon ngayon bihira na ang taong gagawa nito pero tila marami pa rin ang taong may mabubuting kalooban tulad ni teacher Angelica.

Sa facebook post ng DSWD FO 3 nakasaad dito;

Hindi tinanggap ni Angelica ang ₱6,500 na ayuda mula sa ESP.

Si Angelica at kasalukuyang nakikipaglaban sa Cancer. Ngnunit hindi alam ng assessment team ng Baranagay Pinagrealan, Candelaria, Zamabales na isa pala siyang guro.

Sa kabila ng kanyang kalagayan, buong puso niyang sinunod ang palatuntunan ng batas at mas piniling ilaan ito sa iba pang higit na nangangailangan.

“Hindi ko tinanggap, dahil regular naman ang aking sahod at para makatulong na rin sa ibang nangangailangan,” saad ni Angelica.

Ngunit sa kabila ng ginawa ng guro marami pa rin ang bumabatikos dito sa komento, kesyo bakit pa raw nag-fill up si Ma’am. Para naman sa iba pinuri din ang ginawa ni Ma’am Angelica. Kunsabagay hindi natin hawak ang kaisipan ng ating mga kababayan kaya hayaan na lamang natin ang kanilang opinyon.

photo via rapplerr

Sa panahon ngayon ang kailangan natin ay magtulungan, ang anumang hindi maganda gawa ay walang maidudulot na maganda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here