Isa sa pinag-uusapang artista kasalukuyan ay si Ivana Alawi dahil sa taglay nitong kagandahan at mga trending videos na humahakot ng million views sa kanyang YouTube channel. Si Ivana Alawi ay matagal na nais pumasok sa entertainment industry ngunit kamakailan lamang napansin at sumikat sa programang “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

imahe mula sa rtia | yt

Sa latest video ni Idol Raffy agad itong nag-trending kasama ang magandang binibini na si Ivana Alawi, sa nasabing video inirereklamo nang nagngangalang Loida Rivera na taga Cubao, Quezon City ang magandang kapamilya aktres dahil sa pagtatae nito dulot ng ibinigay na relief goods ni Miss Ivana.

Kasabwat ang mga staff ni Idol Raffy pati na rin ang kapatid at ina ni Ivana sa nasabing prank video. Ang eksena dito ay nauwi sa panghihingi ng kabayaran sa danyos perwisyo ng complainant at malaking halaga ang inihihingi nito. Sa kabilang banda ayaw magbigay ni Miss Ivana ng pera ngunit pabor siyang bayaran ang mga nagastos nito sa pagpapagamot at bigyan ng pangkabuhayan tulad ng sari-sari store.

imahe mula sa rtia | yt

Marami ang humanga kay Miss Ivana sa malumanay niyang sagot at makikita dito kung gaano kabuti si Miss Ivana sa kanyang pamilya at sa mga taong mas nangangailangan, dahil sa ayaw niyang madamay ang kanyang pamilya at ang halagang hinihingi kuno ng nagrereklamo ay marami pang matutulungan.

imahe mula sa rtia | yt

Maiyak-iyak na rin naman ang dalaga, sa sobrang galing ng pag-arte ni Idol Raffy akailain mong isang pangkaraniwang reklamo lamang ang kanyang inaayos. Sa sobrang haba na ng video minabuti na Idol Raffy na aminin na ito ay isa lamang “PRANK” kaya naman laking gulat kung totoo nga ba na ito’y isang prank lamang.

Panoorin ang buong video ng Raffy Tulfo in Action sa ibaba.

Ang ngayon mayroon na itong 2 Million views at daang libong komento na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here