Sa panahon ngayon buong mundo dumadanas ng krisis at halos lahat hirap sa buhay lalo na ang mga kababayan natin na talaga namang walang-wala. Sa kabilang banda hindi pa rin matatawaran ang isang kaugalian nating mga Pilipino ay ang pagiging matapat. Ito nga ay pinatunayan ng isang Janitor ng ating paliparan na nakilala sa pangalang Jun Telewik na nakapulot ng malaking halaga ng dolyares na nagkakahalaga ng 10,000$ o kalahating milyong piso.

Isang malaking karangalan at papuri naman ang natanggap ng ating butihing janitor mula sa pamunuan ng Manila International Airport Authority or MIAA. Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal karapat-dapat na purihin at bigyan ng pagkilala ang tulad ni Mang Jun sa kanyang natatanging ipinamalas na katapatan sa kanyang trabaho. Sa panahon ngayon halos lahat nangangailangan ngunit pinairal pa rin ni Mang Jun ang katapatan sa gitna ng pandemya.

Narito ang pahayag ni Mr. Monreal tumatayong MIAA General Manager,
“Sa kabila ng hirap na dala ng pand3mya, may mga taong nananatiling tapat. Saludo ako kay Mr. Telewik sa kanyang dakilang katapatan. Sigurado ako na mas marami pa rin ang equally dedicated na manggagawa sa ating kalagitnaan dito sa NAIA,” ani ni Monreal.”

Base sa salaysay ni Mang Jhun, noong Nobyembre 27, alas 11:30 ng umaga siya ay nangongolekta ng basura sa NAIA Terminal 2. May napansin siyang isang bag sa may upuan at sa pag-aakalang ang may-ari nito ay paikot-ikot lamang sa loob ng paliparan hindi na umano nito pinasin ang nasabing bag.

Matapos ang ilang oras muling nangolekta ng basura si Mang Jun na ito ay parte ng kanilang trabah. Sa pagkakataong ito muli niyang napuna ang bag ay naroon pa rin sa upuan, at dito agad niyang ipinag-alam sa kinauukulan ng paliparan ang kanyang pagkakapulot sa bag.

Ayon kay Mang Jun; “Hindi ko inisip ang halaga, ang nasa isip ko ay gagamitin ito ng may-ari para sa mahahalagang layunin.”

Agad naman beneripika ng pamunuan kung sino ang nag-mamayari ng bag na may lamang malaking halaga. Sa awa ng Diyos ito ay naibalik ng buo sa anak ng may-ari. Ang Fil-Am na may-ari nito ay nanggaling pa mula USA at patungong Dipolog City.

Marami ang natuwa sa ginawang katapatan ni Mang Jun na nag-angat sa ating mga Pilipino sa pagiging likas na matapat sa trabaho. Sana’y magsilbing inspirasyon ang mabuting gawain ng ating kababayan upang pamarisan ng karamihan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here