Habang tumatagal ang panahon natin ngayon, ang teknolohiya naman natin ay mas lalong nagiging hitech na. Minsan nga eto na ang ginagamit na way para makapagbili ng kahit anumang bagay o pagkain upang tayo ay mabuhay sa ating kinatatayoan at dahil nga dito ang mga matatandang tao na o yung mga lola/lolo natin na nabubuhay sa loob ng ilang taon ay talaga namang wala pang ganito noon. Kaya sila ngayon hindi nila alam paano na ito gamitin dahil ang nakasanayan nila noon ay yun na ang kanilang ginagawa o ginagamit.

image via maris mayol tian

Ngunit isang post sa social media ang nakaka-antig ng damdamin dahil sa isang Jollibee delivery boy na kamakailan lang ang nakatanggap ng papuri sa internet nang tinulungan niya ang isang 92-year-old na lola na kung paano din umorder ng pagkain gamit ang hitech natin cellphone ngayon.

Ang Facebook post na ito ay nanggaling mismo kay Maris Mayol Tian. Ito ay tungkol pala sa kung paano siya nag-order ng kanyang umagahan mula sa Jollibee sa kanyang bahay sa Bacolod City dito sa Pilipinas.

“So I just ordered my breakfast from Jollibee and my 92 YEAR OLD neighbor saw me with the delivery guy,” Sabi ni Maris sa kanyang Facebook post.

“When lola saw him handling me my food at our gate, she called him over and asked him what he does… So when he told her he delivers food that she would want to order, she proceeds by enumerating her order.”

Sa puntong ito, maaaring isipin ng maraming tao na magiging isang pag-aaksaya ng oras para sa delivery boy na makikipag-usap kay lola, dahil sa kanilang pag-uusap, ‘di umano inutusan ni lola ang delivery boy na umorder ng pagkain. Sa palagay mo tutulongan ba ng Jollibee delivery boy si lola?

photo for reference

“I honestly thought he would just ignore her, laugh and be on his way, but he actually took out his own cellphone, dialed a number, and ordered for her!!!” saad ni Maris.

Sa palagay mo hindi ba ito kahanga-hanga na tumulong sa mga matatanda na nangangailangan ng sapat na kaalaman sa hitech natin ngayon na teknolohiya? Alam naman natin na si lola ay naging curious lang sa nangyayari ngayon.

“There was a time when I hated Jollibee’s delivery service because they messed up a few times, but now I think I’m going to order more delivery from them,” Ang pagtatapos na saad ni Maris sa kanyang Facebook post with hashtag #KudosDeliveryGuy

Ang Facebook post na ito ay umani ng mahigit kumulang 617k likes at 115k shares.

Source: Maris Mayol Tian / Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here