Marami ang napabilib sa ginawa ng isang lalake sa estrangherong pulubi, Sa panahon ngayon bihira na tayong makakakita ng taong tutulong sa katulad nilang pulubi sa daan. Kaya nga dito papasok ang kasabihan na “Kung sino pang wala sila pa ang handang tumulong sa kapwa”. Maaring hindi naman lahat ngunit sa pagkakataong ito, nababagay ang kasabihang ito.

Normal naman na makakita tayo ng mga taong grasa o palaboy sa daan at kadalasan nga ang mga ganitong uri ng tao ay hindi na napapansin, kung minsan napagkkakatuwaan pa ng iilan nating kababayan. Kabaligtaran naman ito sa ginawa ng mag-asawa para sa taong palaboy. Narito ang post ni LJ Adop sa kanyang social media account,.

Ayon nga sa post ni LJ Adop:

*Kanina habang paalis kami
Me ; posh my nakita akong lalaki naka hubad as in walang damit.
*Pag balik namen
Me; posh ayan sya oh .
Posh ; wait posh . Bilhan nten damit san merun bilihan kahit ukay lang . Nakakaawa naman pinag tatawanan .
*Buti nlang may malapit na ukay store .
Thankyou Posh nakapabait mo talaga 💕🥰♥️ Wilfredo Aquino

Napadaan lamang si Wilfredo at ng kanyang asawa nang kanilang mamataan ang lalaking palaboy na walang saplot o kahit anuman sa katawan. Mukhang pagod at uhaw kaya naman kanilang binihisan ang taong grasa mabuti na lamang ay may malapit na tindahan ng ukay-ukay kung saan nakabili sila ng masusuot ng lalaking palaboy.

Labis namana ng paghanga ng mga netizens sa mag-asawa lalo pa nga’t panahon ng pandemya, ang tanging nasa isip at puso ng mag-asawa ay makatulong sa munting paraan. Kaya nag-silbi din itong inspirasyon sa karamihan lalo na sa mga netizens ang ilan pa nga sa komento nila ay:

“Sa dinami dami ng nkakita ikaw po ang gumawa ng pnka tama. Bigyan ka sana ng Diyos ng mahabang buhay at mga pagpapala. Salute and respect for U.”

“Thank you God, nawa marami pa pong tao na may malinis na puso ang tumulong sa mga kagaya nila na nangangailan talaga ng kahit anong tulong. In Jesus Precious Name Amen…”

“buti na Lang at may mga good Samaritan pa tlagang Tao.. godbless po kuya salute”

“Maliit na bagay pero Hindi lahat kayang gawin Yan salamat SA dyos may MGA taong tulad nyo”

Ang mga taong tulad ni kuya ay ginagawang inspirasyon para maging halimbawa sa ilan at upang mas maging matulungin sa paraang makakaya natin.

{source}

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here