Kung minsan sadyang mapagbiro ang tadhana, hindi mo aakalain na kung sino po ang may kakulangan sa katawan o madaling salita may kapansanan sila pa itong lumalaban ng patas sa hamon ng buhay.

larawan mula kay virgelyncares

Mula sa kilalang vlogger na si Virgelyncares, na nagtatampok ng mga kapos-palad na kanyang tinutulungan. Ay kanyang namataan si tatay Jimmy na taga Tiwi, Albay na matiyagang nilalakad ang kalsada sa gitna ng mainit na panahon.

larawan mula kay virgelyncares

Bitbit ni tatay Jimmy ang walis tambo at matiyagang nilalakad ang kahabaan ng kalsada para lamang makapagbenta ito at makaipon. Ang bawat piraso ng walis tambo na kanyang maibebenta ay mayroon siyang sampung porsiyento dito na hindi naman aabot ng 15 pesos ang isa.

larawan mula kay virgelyncares

Hindi man kalakihan ang kita niya sa paglalako ng walis, Hindi nito alintana ang pagod at init sa kalsada at ang tanging nais lamang nito ay makaipon upang maipaayos ang kanyang barung barong na sinalanta ng bagyo.

larawan mula kay virgelyncares

Sa ngayon ay nakikitira lamang ito sa kanyang kamag-anak at kung makaipon at mapaayos na ang kanyang tirahan nais na ni tatay bumalik sa kanyang kubo. Sadyang napakahirap ng ganitong kalagayan lalo na may edad na si tatay at hindi pa ito nakakakita, sa madaling salita siya ay bulag.

larawan mula kay virgelyncares

Maswerteng namataan siya ni Virgelyn at sa wakas maaga itong makakauwi at makakapagpahinga dahil may taong pumakyaw ng lahat ng kanyang paninda. Kung susumahin ang lahat ng napagbentahan ni tatay Jimmy ay aabot ng 2,100 pesos ngunit ang kanya lamang dito ay sampung porsyento o 210 pesos.

larawan mula kay virgelyncares

Dahil sa ipinakitang determinasyon at kasipagan ni tatay Jimmy lubhang humanga dito si Virgelyn. dahil nga dito binigyan ng tulong ni Virgelyn ang matanda ng isang kabuhayan showcase upang hindi na muli itong maglako sa kalsada dahil nga napakadelikado lalo na isa itong bulag.

Maswerte na may mga kagaya pa ni Virgelyn na handang magbigay tulong sa mga nangangailangan. Sana ay magsilbing inspirasyon si tatay sa lahat na hindi hadlang ang kapansanan para magtrabaho ng patas sa buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here