Marahil ang ilan sa inyo ay bumungad ang kwento ni lolo sa inyong social media account. Sadyang napakahirap lalo na sa panahon ngayon ang kumita ng pera para lamang may maitustos sa pang-araw araw nating mga pangangailangan.

Ngunit kailangan rin ba matatapos ang ganitong sitwasyon sa isang tulad ni lolo na bukod sa may katandaan na ay may dinadala pang kapansanan, simula pa noon pasanin ang kahirapan at patuloy pa rin sa kanyang pagtitinda sa lansangan umulan man o umaraw.

Mabuti na lamang mayroon pa rin mga mabubuting tao na handang tumulong kay lolo. Ayon sa kwento at post ni Samantha Ganapin Yara, nagkataon na napadaan lamang ito sa lugar Jollibee Rizal Avenue, Puerto Princesa City, Palawan kung saan naroon si tatay at nag-alok ng kanyang paninda kay Samantha.

Isang hikaw na may halagang 20 pesos ang alok ni lolo sa kanya, nagkataon naman may extra pera ang si Sam kaya naman binili nito ang tinda ni lolo, sabay tanong kung may nanay ito at kapatid na babae, ang dahilan pala ng pagtatanong para bigyan ng libreng dagdag na paninda si Sam marahil para maibigay sa kapatid o nanay niya.

Narito ang buong kwento ni Samantha, hello guys!
if you have extra money and mapadaan kayo sa jollibee rizal may matandang lalake po na nagtitinda ng mga bracelet, earrings, at necklace sa labas. matanda na po siya at masiyahin (lagi siya nakangiti pag kausap niya ako)

inalok niya ako ng earrings for 20 pesos para lang daw may benta siya today and I have extra money naman kaya bumili ako. ako daw first customer niya today. 🥺 then after he asked me kung may kapatid daw ako na babae or mama, tapos binigyan niya ako ng isa pang hikaw for free. 🥺💗
yung mga paninda niya ay 20 pesos, 50 pesos, 100 pesos, meron din pong 300 pesos. Pero mostly nasa 20-50 pesos lang po.

he insisted na bigyan pa ako ng bracelet and necklace FOR FREE pero tumanggi ako kasi wala na ako pambayad (wala na ako change) sabi ko wag niya na ako bigyan, sabi niya “gusto ko lang maging mabait, kasi yan ang turo ng Panginoon.”
so please if mapadaan kayo and u have extra, pls buy kay Tatay!
thank you guys. Happy New Year!

‼️UPDATE: nakausap ko po si Tatay, 80 years old na po siya. Pinakita niya po Senior Citizen ID niya saakin.

PS. di ko po inexpect na magbblow up ito. i-clarify ko lang po yung location:
📍Jollibee Rizal Avenue, Puerto Princesa City, Palawan

Ang post na ito agad naman kumalat at napansin ng maraming netizens kaya naman umani ng tulong si lolo sa ibat-ibang nakabasa at nakakita sa kanya. Magsilbi sanbang aral at ispirasyon ang kwentong sa buhay ni lolo. Kung tayo makakakita man tayo ng tulad ni lolo sa ating mga dadaanan kung may kaunti man tayo maiibot itulong na natin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here