Kasabay ng pagdating ng pandemyang Coronavirus o COVID-19 ay ang pagkawala ng napakaraming trabaho, at pangkabuhayan ng mga tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Walang naging exempted sa dumating na krisis, mayaman man o mahirap, malalaking kompanya, malilit na negosyo, lahat halos ay apektado. Mga ordinarong mamamayan, politico, negosyante, mga magsasaka, mga estudyante, at iba pa.

Marahil hindi talaga natitimbang ang katayuan sa buhay ang pagtama ng suliraning ito.

Si Monika Johnson Afable na kamakailan lang ay kinoronahan bilang Miss Sinulog 2020, ay nagpakita rin ng kanyang sariling pamamaraan upang malagpasan ang pandemya na nagdulot ng krisis pinansyal sa marami.

Naipost sa Facebook page ng Pageanthology-101 Philippines ang mga larawan ni Monika na nagtitinda ng pilipit o siakoy sa kanilang lengwahe. Tinawag nilang “Humble Queen” si Miss Sinulog 2020 dahil hindi ito nahiyang magbenta para lang kumita at makatulong sa kanyang pamilya sa gitna ng COVID-19.

Inapload umano ni Sisa Balan, kapamilya umano ni Monika ang mga litrato ng Miss Sinulog 2020 bitbit ang plastic container na naglalaman ng mga panindang ‘siakoy’.

Umani ng maraming papuri at naging trending ang kababaang-loob na ginawa ng isang beauty queen. Ayon pa kay Sisa Balan, proud na proud sya kay Monika dahil hindi ito nagbago sa kabila ng tagumpay na natamo sa buhay.

Si Monika ay kasalukuyang nakatira sa Borongan, Eastern Samar. Marami narin siyang napanalunang mga beauty pageants kabilang na ang Miss Sinulog Queen 2020, Miss ESNCHS, Miss Ando Island, Miss BodyShots (Locsoon), Mutya ng Han Bugas, Miss ESBL 2019, Binibining Baysay Borongan 2019, and Bb. Silangang Samar Turismo.

Isa sa mga magagandang papuri sa kanya ng mga netizen ay “Such an inspiration, Hindi maarte, proud sa kung anong meron, masipag. I salute you, ate girl!”

Para sa karamihan, ang panloob na kagandahan ay tunay na taglay ni Monika at nararapat lamang siyang hiranging beauty queen. Anong masasabi mo sa kanya komento lamang sa ibaba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here