Noong mga nakaraan araw muling umugong ang pangalan ni Mura sa social media dahil na rin sa kanyang naging kalagayan ngayong kasalukuyan. Sa mga hindi pa nakakakilala si Mura ay dating artista at nakilala sa pagiging katambal ni Mahal sa isang noontime show.

Ngayon muling nagpaabot ng tulong ang vlogger na kumamusta kay Mahal, kung saan ito ang nagpaingay muli sa pangalan ng dating artista sa pamamagitan ng interview nitong ginawa kay Mura.

image credit to virgelyn | youtube

May pauna nang nabigay ng P10,000 cash si Virgelyn sa dating artista sa tulong ng mga OFWs. Dahil sa video na unang ibinahagi ni Virgelyn na nagpakita ng kasalukuyang estado ni Mura ay nag-viral at napanood rin ng mga nakasama nito sa industriya.

Marami pang tulong ang naibigay ng vlogger tulad ng regalong baka upang makatulong sa nasasakupang bukirin ng pamilya nito. Sa hind magandang pangyayari marami ang nagkalat na maling balita na nagsasabi na si Mura daw ay nahatiran ng tulong mga kapwa nito artista. Kaya naman sa muling pagdayo ni Virgelyn tinanong nito kung sino-sno ang mga artistang tumulong at nakamusta dito.

image credit to virgelyn | youtube

Ikinuwento nga ni Mura na dinalaw siya ng kanyang isa pang best friend at dating ka-loveteam na si Mahal. Bukod pa rito, may mga dumarating ring offer sa binata para magbalik showbiz kapag gumaling na ang kanyang iniinda.

Matapos nito, tinanong ng vlogger si Mura kung kailan ito huling nakahawak ng malaking halagang pera.

Amin naman ng dating aktor, nakahawak siya ng P36,000 matapos ibenta ang baka na iniregalo sa kanya ni Virgielyn. Kapalit nito, bumili siya ng kalabaw na mas makatutulong sa kanya sa bukid.

image credit to virgelyn | youtube

Wala namang naging problema sa vlogger dahil hindi nito alam na mas makakatulong ang kalabaw kay Mura.

“May surpresa ako sa’yo,” saad ng vlogger.

Laking tuwa naman ni Mura nang abutan siya ng P50,000 ni Virgelyn.

Nagmula raw ito sa kinita niya sa YouTube video ni Mura kung saan marami ang nanood.

Nagsimula naman ang pag-agos ng luha ni Mura nang muli siyang abutan nito ng P50,000.

image credit to virgelyn | youtube

Nagpasalamat naman si Virgelyn kay Mura dahil nakilala siya at nagkaroon ng mas maraming subscribers.

“Maraming maraming salamat po sa lahat ng tumulong. Dahil po sa inyo, nakahawak ako ng malaking pera. Sana marami pa kayong mapasayang tao, mga nahihirapan sa buhay tulad ko,” umiiyak na pagpapasalamat ni Mura.

image credit to virgelyn | youtube

Sinisigurado naman ni Mura na gagamitin niya ang pera sa magandang paraan tulad ng pagpapaayos ng kanilang bahay dahil sira-sira na ito.

Ayon naman kay Virgelyn, ito na muna ang huling pagbisita niya kay Mura dahil naging mahigpit na ang mga daanan dahil na rin sa banta ng COVlD-19.

Deserve naman ni Mura ang mga blessing na kanyang natatanggap dahil makikita ang patuloy nitong pagpupursige sa buhay at patuloy na pagtulong sa pamilya.

Humiling din si mura na sana tuluyan ng gumaling ang kanyang binti at balakang upang tuluyan ng makabalik sa showbiz na inaasahan niya at ng kanyang pamilya na makakapagbigay ng tulong sa kanila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here